Chapter 33

126 9 0
                                    



Arzella Leonis POV


Pambihira naman ang baby ko! Parang pinagti-trip-an yata ako eh! Paano ba naman, hindi lang sa umaga ang bira ng pagsusuka ko! Halos maya't maya yata kung magsuka ako dito eh! Tuloy daig ko pa ang laspag na laspag na gulay, sa sobrang pagkahapo ko.


Hindi lang yun, madalas din ang pagkahilo ko! Kaya naman umpisa palang ng pagbubuntis ko. Hirap na hirap talaga ang lola nyo! Kaloka pala talaga ang mag buntis!


Ang sarap sarap gumawa ng baby! Pero ang hirap hirap pala kapag andito na siya sa loob ng tiyan mo.


"Bebe ko. Pwede wag mo naman masyadong pahirapan si Mommy mo? Tignan mo ko.... Ang pangit pangit ko na! Hindi ko na magawang makapag ayos ng sarili. Gusto mo ba, paglabas mo.... Mukhang halimaw na ang Mommy? Ayaw mo naman siguro ng mukhang Daemons na nanay di ba? Kaya wag mo na akong masyadong pahirapan ah! Kase nasa brokenheart stage parin si Mommy kay Daddy eh...." Kausap ko dito.


Sa kabila ng hirap na nararanasan ko sa kalagayan ko ngayon, kahit papaano gumagaan yun kapag sinisimulan ko ng kausapin ang baby ko. Piling ko kase parang naririnig na ako nito! Weird nga eh. Alam ko na nagsisimula palang siyang mag develop sa loob ng sinapupunan ko. Pero ramdam ko na malakas na siya kaagad!


Siyempre anak siya ni Drey eh! Kung anak si Drey ni Diland. Eh di malamang malakas siya tulad ng tatay niya! Kaya pati ang baby mo! Tiyak malakas din! At malay mo, pati siya maging wolf din!


"Asus! As if naman!..... Malay ko ba kung totoo yun! Siguro nga may ibang mundo bukod sa Eos.... Pero yung tungkol sa pagiging wolf nila Diland..... Parang ang hirap paniwalaan! Ikaw baby? Naniniwala ka ba na may lahing aso ang tatay mo?" Tanong ko sakanya.


Para akong timang na biglang ngumiti dito sabay tango tango na para bang naririnig ko ang sagot nito.


"Hay naku! Excited na talaga akong makita ka! Alam mo ba yun? Dahil sayo, nakakalimutan ko ang mga problema ko! Blessing ka nga siguro saakin! Yaan mo baby.... Ako ang bahala sayo. Walang kahit na sino ang makaka---- AY PUKI!" Biglang sigaw ko sa dulo ng may kumatok mula sa labas ng pinto.


"Zella, lumabas ka diyan! Nandito na ulit ang Ate Misia mo!" Kasunod non narinig ko ang sinabing yun ni Uncle Cor.


Lumabi ako.


"Naku baby! Kala ko di na babalik ang Tita mo! Ano sa tingin mo? Pipilitin kaya niya ulit ako na.... Pumunta sa Daddy mo? Di naman siguro di ba?" Parang batang tanong ko dito.


"Zella?" Narinig ko ulit ang boses ni Uncle Cor sa may labas ng pinto.


"Yan na po! Teka lang! Magpapalit lang po ako ng damit, Uncle Cor!" Sagot ko dito.


Ano ba naman yang si Ate Misia! Pwede naman siyang pumasok dito sa loob ng kuwarto ko eh! Gusto pa sa labas kami mag usap! Weird din eh!

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon