Arzella Leonis POV
"WOW!" Bulalas ko. " Ang ganda! Sobrang ganda naman dito! Totoo ba to?! As in?!"
Parang batang sabi ko ng makalabas na ako mula sa loob ng lagusan.Pagkuwan ay nilibot ko sa buong paligid ang mga mata ko. At nang hindi parin ako makapaniwala na nandito nanga ako sa ibang mundo. Para akong luka-luka na kinusot-kusot pa ang mga mata ko, na tila ba isang imahinasyon lang ang nakikita ko ngayon!
Sa sobrang ganda ng mundong ito na Novaliz kung tawagin. Grabe! Hindi ko magawang ma explain ng maayos kung papaano ko ba ito ilalarawan ng husto! Basta, kakaiba at halatang hindi pangkaraniwan ang lahat ng mga bagay na nakikita ko ngayon dito!
Sino bang mag iisip na totoo nga pala talaga ang mga kwento saamin noon ni Daddy, tungkol sa mundong ito! Sa hinuha ko nga.... Baka malaki ang tendensiya na nag punta na si Daddy dito noon. Kase kung ano ang eksaktong nasa kwento nito noon saamin, yun din ang eksaktong nakikita ko ngayon!
Siguro kung nagkataon na hindi ako buntis. Baka nga nagtatalon na ako dito na parang isang bata na ngayon lang dinala sa isang amusement park ng mga magulang niya!
"Oh my gosh! Is that real?!" Napatutop pa ang isang kamay ko sa bibig ko ng mapadako naman ang mga mata ko sa mga damo dito.
Paano ba naman, kakaiba ang mga damo! Parang rainbow! Iba iba ang kulay! Tapos yung mga puno.... Parang may buhay! Gumagalaw kahit walang hangin! Ibang klase! Napaka magical! Tuloy kinurot ko ang sarili ko, baka kase nanaginip lang ako. Pero ng masaktan ako sa ginawa ko, na realize ko na hindi talaga ako nanaginip lang! As in totoo ito!
"Astig!" Bulalas ko ulit.
Sabay labas sa cellphone ko para kuhanan ang mga nakikita ko. Kaso mukhang hindi yata uubra ang cellphone ko sa mundong ito. Kase ayaw nitong gumana! Samantalang ayos pa ito kanina!
Ano ba yan! Paano ako makakapag uwi ng souvenier neto, if ever na umuwi na ako sa Eos?! Sayang naman.... Maganda pa naman yung mga view dito!
"Ayos ba?! Mukhang gandang-ganda ka sa mundo namin ah! Dito palang, di kana magkandamayaw! Paano pa kaya kapag nasa Wolveroz na tayo!" Narinig ko na sabi ni Keroshino.
Na halatang natatawa saakin. Hindi ko naman ito masisisi, kase para nga naman akong isang batang paslit kung umasta dito! Masyadong inosente! So? May excuse ka naman gaga! Natural, ngayon ka lang nakatapak sa mundo nila! Kaya bago sayo ang mga yan!
Kaya naman sandali kong inalis yung tingin ko sa paligid para tignan ito.
"Sa lagay palang to! Entrance palang ito?! Ibang klase! Ang astig ha! Kala ko nasa Wolveroz na tayo! Ano na ba yan!" Sabi ko.
Natawa ito. Pagkatapos nakita ko na tinignan ni Keroshino yung direksyon ni Dreyd. Kaya maski na ako, tumingin din sa direksyon nito.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
AcakBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...