Arzella Leonis POV
Ngayong nakapagpahinga na ako at maayos-ayos na ang pakiramdam ko. Ngayon ko palang nagawang ma-appreciate ang kuwartong pinagamit saakin ni....Ano nga ulit ang pangalan ng nakakatawang lalaking yun?
Pilit kong iniisip kung ano ba ang pangalan nito, pero nawala yun sa isip ko ng makakita ako ng mga kakaibang ibon, na nagliliparan sa may labas ng terrace ng kuwartong ito. Kaya sa sobrang tuwa ko, lumapit ako doon para mas makita ko sila ng maayos.
At mas lalo akong namangha ng makita sila ng malapitan! Nakakatuwa din dahil hindi sila lumipad kahit na ng lumapit ako sakanila. Usually kase, kapag nabulabog mo yung mga ibon. Di ba nagliliparan na sila kaagad.
Pero ang mga ito, tila ba sanay sa mga tao na katulad ko. Sa katunayan ng hawakan ko pa sila. Parang sayang saya ang mga ito na nagpahimas saakin. Kaya mas lalo akong natuwa dahil doon. Bukod pa doon, talaga namang nakakahalina yung mga kulay nila pati na yung paghuni nila na tila ba umaawit silang lahat saakin.
"Bonga naman dito! Napaka magical!" Sabi ko habang hinihinamas ko yung kulay baby pink na ibon na kumukutitap-titap pa sa liwanag.
At bigla nalang nagsiliparan ang mga ito ng may kung anong lumundag sa may pasimano. Nang tignan ko yun na speechless ako ng makita ko ang isang puting puti at mabalahibong kuting!
"Awwwww! Ang cute mo naman!" Bulalas ko sabay abot sakanya.
Kaagad naman itong umamo saakin kaya mas lalo akong nasiyahan sa paghawak sakanya.
"Kanino ka? Naligaw ka ba dito?" Marahan na tanong ko sakanya.
Mas lalo akong na cute-an sakanya ng makita ko ang kulay ng mga mata niya. Kulay dark pink ang mga iyon!
Walang duda! Kakaiba talaga ang mundong ito!
"Love na kita! Pwede akin kana lang?" Malambing na pagkausap ko dito.
At para bang sumagot ito ng mag 'meow' ito saakin. Kaya natawa ako.
"Alam mo, kung nandito lang din ang Ate Misia ko. Tiyak matutuwa din sayo yun. Mahilig din kase siya sa mga pusa.... Lalo na sa mga cute na katulad mo! Grabe! Ang cute cute mo talaga! Akin kana lang talaga ha! Hmmm...." Patuloy ko sa pagkausap dito.
"You're awake."
Nagulat pa ako ng bigla kong marinig ang baritonong boses ni Dreyd sa may likurang bahagi ko.
At kasabay non, naramdaman ko rin na bumilis ang pintig ng puso ko! Kailan ba ako masasanay na sa tuwing nasa malapit lang ito. Para bang nagwawala ang puso ko dahil sakanya!
"Uy! Ikaw pala!...." Nakangiting humarap ako sakanya habang yakap yakap ko sa mga bisig ko yung kuting na nakita ko. " Gising kana rin pala!" Pagkuwan ay dugtong ko.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
DiversosBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...