Chapter 39

123 6 0
                                    



Arzella Leonis POV


It's sooooooo amazing! Ang ganda ng setting ng lugar! Even though na umuulan ng snow sa paligid, I won't mind at all.... Lalo na ng biglang lumitaw si Dreyd sa harap ko!


"Dreyd!" Ngumiti ako sakanya bagama't nagtataka ako kung bakit siya biglang lumitaw dito.


Nakita ko na maski na si Dreyd, ngumiti rin saakin. Kaya mas lalong naging magical ang buong paligid. Yung snow na pumapatak dito kanina, ngayon hindi na lang siya basta snow, kase umiilaw-ilaw pa ito na para bang mga bituin na nahuhulog mula sa langit.


Kay gandang panoorin, lalo na ng mag lakad si Dreyd patungo sa kinaroroonan ko. Tila ba naging special effects nito yung mga snow na bumabagsak. At bukod doon, mas lalong lumutang ang pagiging magandang lalaki nito sa ayos niya.


Kaya ako naman itong si gagang marupok, hayan! Nagsisimula nanamang kabayuhin ng napakaraming kabayo ang puso ko! Ang lakas-lakas ng tibok na para bang ano mang oras, puputok na!


Si Dreyd naman kase eh! Ba't ba kase ganito kalakas ang epekto niya saakin! Tuloy hindi ko na alam ang gagawin ko para mabalik ako sa normal na ako. Kunsabagay, kailan ba ako naging normal? Abnormal nga daw ako di ba?!


"Arzella."


Shucks! Ang sarap talagang pakingan ng pangalan ko kapag ito ang bumibigkas non! Piling ko parang ang ganda-ganda talaga ng name ko dahil sakanya. Para kaseng nagkakaroon yun ng buhay, basta si Dreyd lang ang bibigkas non.


At para bang tumigil ang mundo ng sa paglapit nito saakin, at haplusin ng isang kamay nito ang kanang mukha ko. Tuluyan ng nawindang ang mundo ko!


"Totoo ba to?" Bigla kong naitanong sakanya.


Nakita ko na mas lalo siyang ngumiti saakin, kaya hayun! Na heart attack na yata ako! Takti!


"Paano kung totoo? Ano ang gagawin mo?" Tanong niya.


Pumikit ako ng padaanin nito sa ibabaw ng mga labi ko ang mga daliri niya. Yun palang parang hinahaplos na ang buong kaluluwa ko! Nyeta! Dahil dito! Natuto tuloy akong maging malalim sa pananalita ko!


Hindi ko alam kung saan ko ba napapaghugot ang mga salitang naiisip ko! Ganito nga siguro kapag inlabbabo ka sa isang tao!


Ay mali! Hindi nga pala isang normal na tao si Dreyd! Pero anong pakels ko! Basta ang mahalaga, loves ko siya! Yun lang sapat na! O di ba?! Keri na yun mga bakla!


"Eh di kung totoo pala ito..... Hay naku! Ayoko ng magising! Pwede dito na lang ako forever?" Dumilat ako sabay pa cute pa dito.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon