Arzella Leonis POV
Kamangha-mangha talaga ang Wolveroz! Pero higit sa lahat. Mas kamangha-mangha yung palasyo nila! Dahil nasa mataas na bahagi lang naman ito na para bang sinadya na doon ito itayo, nang sa ganoon makikita kaagad yun ng lahat!
At habang pinagmamasdan ko ang buong kabuan nito, walang panama dito yung Citadel sa Insomnia.
Bukod pa doon.....Halatang makapangyarihang nilalang din ang naninirahan dito!
Salamat at hindi ordinaryong mga nilalang ang kasama ko, dahil sigurado ako na hindi ako makakarating dito kung wala sila Dreyd sa tabi ko.
Dahil nakakasigurado ako na baka abutin ako ng siyam-siyam bago ko maakyat ito! O baka doon palang sa bukana paakyat dito, hindi na ako tumuloy!
Kase matarik ang daan paakyat dito. Masyadong mapanganib para sa isang katulad ko.
Bukod pa doon, halatang mahigpit din ang buong seguridad dito. Dahil kahit saan ko yata ilibot ang tingin ko. Maraming bantay akong nakikita, at lahat ng mga bantay na yun na nadadaanan namin. Lumuluhod at nagbibigay galang kapag nakikita nila si Dreyd.
Halatang kilalang kilala nila ang Prinsipe nila. Kahit kung tutuusin naka simple lang naman na damit si Dreyd ngayon.
O baka naman dahil kasama ni Dreyd yung mga Knights at si Maestro Nurkos? Pero imposible dahil nauuna naman kami sakanila.
Natigilan ako bigla ng makita ko ang pathway na dadaanan namin ni Dreyd. Hindi dahil yari yun sa crystal ice, kundi dahil doon sa mga wolf na gawa sa bato na nakahanay sa mismong dadaanan mo. Nakakatakot kase ang itsura ng mga ito. Napaka bangis tignan at iisipin mo na para bang totoong totoo ang mga iyon!
"Hindi totoo ang mga yan, kaya hindi mo kailangan matakot." Ani Dreyd saakin.
"Galing nang gumawa niyan ha! Mukhang totoong totoo!" Sabi ko nalang.
"Magaling talaga ang gumawa niyan. Sayang lang at wala na siya."Anito.
Tumingin ako sakanya.
"Teka.... Huwag mong sabihin saakin na si Dirk ang may gawa niyan?" Maingat na tanong ko dito.
"He's a talented, you know. Napag trip-an lang talaga niyang gumawa niyan. Siguro mga fifteen years old kami noon ng gawin niya ang mga yan. And my father.... Nagustuhan niya ang gawa ni Dirk. Kaya pinalagay niya dito yan." Sagot nito.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hahangaan ko ba si Dirk, o titirahin ko si Diland?!
Kase kung hinahanangaan pala nito ang mga gawa ni Dirk. Bakit naman kaya niya pinatay yun? Heller! Nag tanong ka pang boba ka! Hindi ba masama naman talaga ang Diland na yan! Kung yun ngang Mummy mo, ginawan niya ng masama! Pumatay pa kaya hindi niya kayang gawin?!
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RandomBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...