Chapter 45

128 5 0
                                    



Dreyd Zebulter Wulfric POV


Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nasa harap ko na ulit si Ameriah. Nasa tabi ko. Kasa-kasama ko ngayon.


"Mahiga ka muna." Malumanay na sabi niya sabay giya nito saakin patungo sa kama ko.


"How?" Mahinang tanong ko habang titig na titig ako sa magandang mukha nito.


Kaya naman tumingin rin saakin ang mga mata nito, at kasabay non nakita ko ulit ang ngiti nito na talaga namang ninais kong makita ulit.


"Nagtataka ka kung bakit nandito ako? Samantalang alam mo na mayroon na akong iba!" Sagot niya.


Tumango ako sakanya bilang tugon.


"Si Draken sana ang gusto kong kausapin para tulungan akong pabalikin ka ulit dito. Kaso bigla nalang din umalis si Draken dito. Kaya si Danier ang napakiusapan kong tulungan ako. Sinabi ko sakanya na pumunta siya sayo sa mundong yun, at sabihin sayo na nakahanap na ako ng ipapalit sayo. Nagbabakasakali kase ako na kapag nalaman mo yun. Babalik kana dito, at titigilan mo ang pagre-rebelde mo sa ama mo." Sabi niya.


"Kung ganoon.... Hindi totoo na nakahanap ka na ng iba?" Pagsisiguro ko kahit malinaw namang nasabi nito na nag sinungaling lang ito saakin.


"Walang iba, Dreyd! Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. Kaya nga ng umalis ka.... Nagsisi ako ng husto kung bakit hindi kita pinigilan! At sa halip iniwan pa kita! Patawarin mo sana ako....." Nagsimulang bumalong ang luha sa mga mata nito.


"Hey,don't cry my love!" Sabi ko sabay kabig dito.


"I can't help it! I miss you so much Dreyd! I thought hindi kana talaga babalik! But here you are!" Garalgal na sabi nito.


Pumikit ako ng masamyo ko ulit ang mabango amoy nito na hinanap-hanap ko simula ng malayo ako dito ng matagal.


"Swear to me.... Hindi kana ulit aalis! Hindi mo na ulit ako iiwan!" Sabi nito.


"Not anymore!" Sabi ko.


Dumilat ako ng hawakan nito ang mukha ko.


"Oh Dreyd!" Ito na ang kusang humalik saakin.


Dama ko ang labis na pangungulila nito sa halik na binibigay niya saakin ngayon. Kaya naman sinuklian ko rin yun ng ganoong klase ng damdamin.


Pero sa kalagitnaan ng halik na pinagsasaluhan namin ngayon ni Ameriah. Biglang kumudlit sa isipan ko si Arzella!


"What's wrong Dreyd?" Hinihingal na tanong ni Ameriah saakin ng bigla kong putulin ang halikan naming dalawa.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon