Chapter 47

135 5 0
                                    



Arzella Leonis POV


"Baby. Sorry ha! Ako pa kase ang naging Mommy mo. Tuloy dahil ako ang Mommy mo, ayaw nila sayo." Umiiyak na sabi ko dito.


Sa tingin ko ito na yata yung karma ko sa ginawa kong pananakit at pagtalikod sa pamilya ko. Nang maisip ko sila, gusto na silang makita. Gusto ko nang bumalik sakanila.


Pero hanggang ngayon nasa isip ko parin si Dreyd.


Ayokong umalis ng hindi man lang siya nakakausap.


Pero bakit ba napakahirap para kela Maestro Nurkos na pagbigyan ako na makita ito at makausap?! Bakit ayaw na nila akong palapitin kay Dreyd?!


"If you truly love my son. Leave him."


Sana ganoon lang kadali sundin yung sinabi ni Queen Valeska.


"Noon pa man, pangarap na niya ang maging susunod na hari ng Wolveroz. Kaya naman, kung talagang mahal mo siya. Hindi mo naman siguro hahayaan na masira yung pangarap niya, hindi ba?"


Natural ayokong sirain yung mga pangarap niya. Pero paano ang puso ko? Paano ang baby namin? Saan kami lulugar ngayon kapag umalis kami dito ng hindi man lang siya nakakausap?! Matatahimik ba ako ng ganoon na lang?


"Si Ameriah lang ang babaeng nararapat sa anak ko. Sana maintindihan mo yun. Dahil baliktarin man natin ang mundong ito, hindi ka kailanman nababagay sakanya. Kamumuhian siya ng lahat, kapag ikaw ang pinili niya. Bababa ang tingin sakanya ng lahat! Wala ng kahit na sino pa ang gagalang sakanya! Yun ba ang gusto mo Arzella?"


Yun nga ba ang gusto? Sakim ba ako? Hindi naman siguro di ba? Dahil kahit alam ko na wala akong lugar sa mundong ito. Masama ba na umasa parin ako? Saan? Kay Dreyd! Ano ba Zella! Hindi pa ba malinaw sayo na wala na!


Bakit ba ganito ang kapalaran saakin? Bakit ba palagi nalang akong pinapaasa sa wala! Ano to? Pinaglalaruan nalang kami nila Mummy, at Ate Misia?


Lumaban si Ate Misia.... Kaya kahit natalo siya sa huli. Atleast sinubukan niya! Ikaw? Bakit hindi ka sumubok? Kung talagang mahal mo si Dreyd. Hindi ka aalis dito ng hindi man lang kayo nagkakaharap! Atleast sakanya mo mismo malalaman kung wala ka ng aasahan pa. Hindi yang isip ka ng isip! Huwag mo silang pakingan! Dahil hindi nila naiintindihan ang sitwasyon mo!


Pinunasan ko ang mga luha ko.


"Yo! Zella!" Bigla kong narinig ang boses ni Keroshino sa labas.


That's it! Hayan na ang sagot sa problema mo! Kung ayaw kang tulungan ni Maestro Nurkos. Pwes kumilos kana para sa sarili mo!


Kaya naman nagmamadali akong lumabas mula sa loob ng kuwarto ko para harapin si Keroshino.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon