Arzella Leonis POV
Look baby o! Pinapanood ko ulit yung movie namin ng Daddy mo. Yaan mo, paglabas mo, ipapanood ko rin sayo yan. Para naman kahit doon lang, makita mo na magkasama kaming dalawa.....
Pagkausap ko dito.
Sabay himas sa may kalakihan ko ng tiyan.
"O! Ba't andito ka pa?! Hindi ba't birthday ngayon ng Uncle Cor mo?!" Bigla kong narinig na sabi ni Mummy.
"Ay! Oo nga pala! Birthday ngayon ni Uncle Cor! Ba't nakalimutan ko!" Bulalas ko sabay tayo.
Narinig ko na pumalatak si Mummy.
"Paano, na busy ka nanaman diyan sa Daddy ng baby mo! Ikaw talaga! Malapit ka nangang maging Mommy! Para ka paring bata kung mag isip!" Natatawang sabi ni Mummy.
Ngumuso ako.
"Mummy, yan nanga lang ang kaligayahan ko eh! Sisirain mo pa!" Sabi ko.
Natawa ulit ito.
"You know what. I think mas guwapo si Dreyd sa personal." Sabi bigla ni Mummy.
Sumimangot ako.
"Wag mo na kong I bitter Mummy! Please!" Sabi ko.
"Alright! Hindi na po! Now mag ayos kana! Baka ikaw nalang ang hinihintay doon sa party!" Aniya.
"What about Ate Misia? Hindi ba siya makakapunta sa birthday ni Uncle Cor?" Tanong ko.
Nagtataka ako kay Mummy. Parang may weird sakanya! Hindi ko lang matukoy kung ano....
"Gusto man ng Ate Misia mo na pumunta. Busy yun sa negosyo niya! Kaya ikaw na lang ang mag represent saamin sa birthday ng Uncle Cor mo! Hala sige na! Gumayak kana! Mamaya niyan dumating na dito sila Marcosios at Igrain, hindi pa nakabihis ang sasamahan nila!" Sabi nito.
"Yan nanga po!" Sabi ko na nakanguso ulit.
Pagkuwan ay pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko. Pero nang nandoon na ako, para naman akong tinamad maligo. Kunsabagay, nakapaligo nanaman ako kahapon eh! Keri na yun! Kaya ang ginawa ko na lang, nag palit na lang ako ng damit tapos nag ayos ng kaunti sa sarili ko. Tapos pisik-pisik lang ng pabango and voila! Okay na!
"Mummy! Nasaan yung binili kong regalo para kay Uncle Cor? Hindi ko mahanap sa kuwarto ko!" Sabi ko ng lumabas na ulit ako sa kuwarto ko.
"Ah! Yun bang regalo mo? Na kay Igrain na anak. Nandoon na sila sa labas! Hinihintay ka!" Nakangiting sabi ni Mummy.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RandomBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...