Artemisia Leonis POV
"Kayo na ang bahala dito."
Bilin ko sa mga tauhan ko.
"Sige po Miss Artemisia. Kami na po ang bahala dito!" Sagot ng mga ito.
Tumango nalang ako sabay abot sa bag ko.
"Artemisia, aalis kana?" Nakangiting tanong saakin ni Adira.
"Yeah, nanganak na kase si Zella." Masayang sagot ko dito.
"Talaga! Congrats ha! Tita ka na pala!" Masaya ding sabi nito.
"Oo nga eh! Sige ha! Kayo na muna ang bahala dito habang wala pa ako. Baka bukas or sa susunod na ako bumalik dito." Sabi ko.
"Sige, walang problema! Ikaw kaya ang boss dito! Pakisabi nalang kay Arzella na congrats ha! Tapos pag may time na ako, saka naman ako dadalaw sakanya." Habol nito.
"Makakarating!" Sabi ko.
Yun lang at nagmamadali na akong lumabas sa beauty shop ko.
Sumakay na ako kaagad sa may elevator, at ilang saglit lang bumukas na yun sa may ground floor ng building na ito.
"Magandang araw sainyo, Miss Artemisia." Bati saakin ng matandang security doon.
"Magandang araw din sayo." Tugon ko.
"Maaga po yata kayong uuwi ngayon?" Tanong nito.
"Yeah, nanganak na kase ang kapatid ko." Sagot ko.
"Naku! Congrats po! Sige Miss Artemisia, ingat na lang kayo sa biyahe nyo." Anito.
Ngumiti na lang ako dito pagkuwan ay nag tuloy na ako palabas sa gusaling ito.
Paglabas ko, papunta na sana ako sa may paradahan ng sasakyan ko ng bigla kong maramdaman na mayroong nakatingin sa may gawi ko.
Kaya naman kunot ang noong hinahanap ko kung sino ba iyon ng bigla akong matigilan ng makita ko kung sino ang nakatayo malapit lang sa may harap ko.
Noctis?
To be continue..............
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
RandomBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...