" Baby ko" isang babae
"labko" isang lalaki
" Asawa qhu" isa namang bakla.
" Babe" at isa namang tomboy
" mosh" at isang grade 7 student
Rinding rindi na ako sa mga letcheng katagang yan na laging kong naririnig sa mga love birds na nadadaanan ko or minsan nakapalibot pa talaga sakin na parang nang iinsulto. Sarap tiradurin ng mga ito eh buti na lang wala akong dalang tirador ngayon at baka kanina ko pa sila tinamaan ng matauhan sila diyan!
Pinagmumukha niyo talaga sakin na walang wala ako pweh! Magkakaroon din ako someday ng matatawag kong bebe, or baby do you love me are you riding? Hihi
Pero sa ngayon! Wala pa kasi baka nasa ibang lupalop pa ngayon ang magiging Jowa ko. Pero inip na inip na talaga ako sa kaantay sa kanya! Jusme.
Ang hahaba na ng mga buhok ko sa kilikili pati buhok ni Maria makiling ko pinagtutubuan na ng mga buhok wala pa rin akong jowa! Baka pagnakaboyfriend ako limpak na limpak na na ang damo sa mga sulok ng katawan ko eh di hindi siya maattract sa feminine body ko hays!
Bat ba ang tagal mo bibiko!
Pasensya na kung ganito ako guys ha! Wala lang. Napepressure lang kasi ako I mean pinepressure pala ako ng mga kaibigan ko! Lahat kasi ng friends ko may mga kalampungan na ang mga ayup! Sinama ba naman ako sa double date nila para maging photographer sa mga chukchakan nila na pinagpopost nila sa facebook tapos hindi man lang nagbigay ng credits sakin!
Hindi ko talaga tanggap na wala pa akong jowaaaa! Jowable naman daw ako hihi. Sabi ng mga kaklaseng kong ungag na nagsulat ng description sa isang papel tungkol sa akin kasi isa yon sa naging activities namin!
Jowable. Maganda. Magaling sumayaw. Magaling kumanta. Talented. Cute.
Yan! Yan ang mga pinagsusulat nila na halos paulit ulit na lang. Totoo naman lahat sakin ah?? Pero yung pagiging jowable tangnanay!
" Hoy laway mo Roxanne! " bungad sakin ni Miya na na pinagtutulak pa ako.
Nandito kasi kami ngayon sa isang basketball court kung saan madaming petmalung loding ampopoging fafa!
" Ano bang paki mo? " sumbat ko naman sakanya saka ibinalik ang tingin ko sa mga naglalaro.
" Roxanne hindi mo ikinaganda yan! " biglang binalungkas ni Loli isa rin sa mga kaibigang kong taken na ang mini skirt ko.
" Ano ba!? " sigaw ko saka ibinaba ang palda ko at umupo sa benches.
" Ano bang nakain mo at sumali ka sa pep squad ngayon ha? " turo ni Miya sa suot ko .
Bat ba kailangan niyo pang malaman ang reason ng pagsali ko dito? Obvious naman na magpapansin syempre ako. Gusto ko kasi yung ako yung flyer hehe yung pinabubulusok bulusok. Yung itatapon sa ere tapos titingalain ng mga fafa ang maria makilang ko na nakasplit char.
" Kasi sa pep squad lang naranasan kong saluhin ako! " tugon ko kay Miya na nagtaray pa
Dati na talaga akong member ng pepsquad pero nagpahinga lang naman ng isang taon yung katawan ko grabe na makajudge ang mga friendlaluu ko!
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Jowang Jowa Na
Teen FictionNAGHAHANAP PO AKO NG BOYFRIEND halata naman sa title diba? -- These days mas marunong pang lumandi ang mga grade 7 students kaysa sa mga katulad ko! Dinaig pa nila akong nineteen years nang nag exist sa mundo wala pa ring fafa na humingi ng mga k...