Hating gabi na ng lumabas ako sa aking silid. Buo na ang desisyon ko, kailangan kong gawin ito para sa aming lahat. Pagdating ko sa bulwagan ay agad nag si pagyuko ang mga naroroon. Hinanap agad ng aking mata kung saan ang pwesto ni Rosco. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sya sa gilid ng puno hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Labis akong nag alala para sa kanya dahil sa ginawa nyang pagtakas kanina. Mabuti naman at nakalabas sya ng kwarto at hindi nahuli.
"Magbigay galang sa ating Binibini" sigaw ni Ka Omay at tsaka yumuko ulit.
"Ano ba ang nais mong sabihin sa amin Binibining Resha?" Tanong ni Aling Juana, isang matandang babae na ang buhok ay kulay puti na lahat. May hawak din itong kahoy na syang ginagamit nyang pang gabay sa kanyang paglalakad.
"Nais ko sanang ipaalam sa inyo ang nais kong mangyari. Bilang anak ng inyong Ina, umaasa ako na susuportahan ninyo ako" sabi ko at isa isa ko silang tinignan "Gusto ko sanang baguhin ang mga bagay o gawain na nakasanayan na natin, alam kong hindi madali ang aking hinihiling ngunit tingin ko'y makakabuti ito para sa ating lahat"
"Mahirap po ang gusto ninyong mangyari binibini, ilang taon na kaming namumuhay ng ganito. Hindi madaling sa isang iglap ay babaguhin na namin ang mga nakasanayan na namin" sabi ni Minsoy
"Kung papakinggan at iintindihin nyong mabuti ang mga nais kong mangyari, maaaring pumayag din kayo sa layunin ko" isa isa ko silang tinignan, alam ko mas makapangyarihan ako sa kanila ngunit kung lalabanan ko silang lahat ay hindi ko kakayanin.
"Sige binibini, ipaintindi mo sa amin ang mga layunin mo para sa ating lahat" sabat ni Buboy, isang binatilyo na tingin ko ay kasing edad ko lamang.
"Nais ko sanang itigil na ang pagpatay, kung ang nakasanayan natin ay ang pagkain ng karne ng tao ay bakit hindi na lang karne ng hayop?" Tumayo ako upang mas makita pa silang lahat. "Hindi natin kailangan pumaslang, may pagkakataon pa upang magbago basta't makinig at magtiwala lang kayo sa akin"
"Bakit kami magtitiwala sayo? Wala ka pang napapatunayan, kung karanasan lang ang pagbabasehan ay mas marami kaming alam kesa sayo"
Nagbulong bulungan ang mga nasa bulwagan, alam kong hindi magiging madali ito ngunit kailangan kong gawin ito.
"Simula ngayon ay ititigil na ang pagpatay, bubuo ako ng mga pangkat at itatalaga ang kanilang magiging trabaho" tumingin ako kung saan nakatayo si Rosco kanina ngunit wala na ito ngayon, kumunot ang noo ko saan naman kaya nagpunta yun?
"Ang unang pangkat ay pangungunahan ni Minsoy, sila ang magbabantay sa gabi upang walang makalabas sa Pulang Ilog at pumaslang. Ang sumunod na pangkat naman ay pangungunahan ni Buboy, sila naman ang maghahanap ng ating makakain. Ang pangatlong pangkat na pangungunahan naman ni Oscar ay syang magiging kapalit ng pangkat ni Minsoy. Ang pang apat na pangkat naman ang magiging kapalit nila Buboy, ang pangkat na ito ay pangungunahan ni Lito"
"Ang kautusang ito ay gagawin bukas na bukas din, kailangan ko ang kooperasyon nyong lahat" tumingin ulit ako sa pwesto ni Rosco ngunit wala pa rin ito doon.
"Pagbibigyan ka namin binibini, ngunit kung ang iyong plano ay hindi magtatagumpay, aalis kana sa lugar na ito at ako na ang papalit sayo" tumaas ang lahat ng balahibo ko nang makita ko kung pano nag bago ang itsura ni Ka Omay, mula sa pagiging matanda ay pumangit ang muka nito. Lumaki ang mga mata nito at pulang pula, ang kanyang ilong ay humaba na tila tulad ng aso, ang kanyang bibig naman ay halos mapunit na sa laki at sa loob nito ay nagtatalimang ngipin na kapag kinagat ka ay siguradong hindi ka na mabububay pa.
"S-sige kung ayan ang gusto mo, tatanggapin ko ang hamon mo" nanginginig ang mga tuhod ko kaya naman ay bumalik ako sa pagkakaupo. Napansin ko na ang ibang kasama ni Ka Omay ay nag bago na din ng itsura at katulad ito ng kay Ka Omay. Gusto ko ng umuwi ngunit alam kong hindi tama kung hindi ko mapapanindigan ang mga sinabi ko.
"Tapos kana ba binibini? Maaari na ba kaming umalis at maghanap ng pagkain?" Nakangising tanong ni Ka Omay.
"Sa huling pagkakataon ay hahayaan ko ang pagkain nyo ng karne ng tao, sino man ang lumabag sa kautusan ko ay may matinding parusang matatanggap"
"At ano naman ang kaparusahan binibini?"
"Kamatayan" hindi na sila nagsalita at umalis na, ang iba namang kababaihan na hindi sasama sa paghahanap ng pagkain ay umuwi na. Wala ng kahit sino sa paligid, nagpasya akong umuwi na rin upang makapagpahinga.
Naglalakad ako pauwi ng naramdaman ko na may kauri ko sa paligid. Kinabahan ako, baka kasamahan ito ni Ka Omay at gusto akong patayin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang naramdaman ko ulit na may sumusunod sa akin. Tumigil ako at iginala ang paningin sa paligid. Ang katulad ko ay may kakayahang makakita kahit malayo pa ang distansya at ang paningin namin ay may kulay base sa uri ng tao.
Napansin kong kulay dilaw ang nagtatago sa isang matandang puno sa kaliwang banda ko. Agad akong tumakbo patungo sa punong iyon, sigurado akong kauri ko ang nasa likod ng puno agad kong hinanda ang mga mahahaba at matutulis kong mga kuko akma kong kakalmutin ito ng hawakan nya ang aking kamay at ikulong ang leeg ko gamit ang kanyang mga braso.
"Huminahon ka Resha, ako lang ito" tinignan ko ang lalaking may hawak sa akin ng makita kong si Rosco nga ito! Ang walanghiyang to tinakot pa ako!
"Ano bang ginagawa mo? Alam mo bang maaari kang mapahamak sa ginawa mo?"
"Pasensya kana, may nais sana akong sabihin sa iyo" aniya habang tinitigan akong maigi gamit ang kanyang malamnang mga mata.
"Rosco" tawag ko sa kanya at huminga ng malalim "Hindi na ba pwedeng ipagpabukas yang nais mong sabihin? Sana maalala mo na nasa labas tayo at delikadong makita nila tayo dito"
"Pero Resha--" tumalikod na ako dahilan upang matigil sya sa kanyang pagsasalita.
"Malalim na ang gabi Rosco umuwi kana" hindi ko na hinintay na sumagot pa sya, agad akong humakbang palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
End This War
HorrorTatanggapin ko na lang ba ang magiging kapalaran ko o gagawa ako ng paraan upang matakasan ang sumpang ito.