Napanaginipan ko pinag aagawan daw ako ni Watsuley at Dawmengsu! Nakakakilig ng bonggang bongga kaya medyo na kalimutan ko din yung nangyari sakin kagabi!
Ekis ka na saking Ruel ka. Hindi ka pala gentleman. Masyado yata akong nabulag sa pagkagusto ko sayo tsk tsk. Pero syempre may chance ka pa rin sakin. But remember hindi lang ikaw ang crush ko haha. The more the merrier sabi nga!
Mas marami more chances of winning !
Bumangon ako nang marinig ko ang pag vibrate ng phone ko. Oras na para maligo pero paglabas ko ang dami pang nakapila hays! Nagboboard kasi ako, malayo kasi etong university na pinag aaralan ko ngayon that's why I'm here, boarlaluuu.
Maraming dapat kasanayan like ganito, everytime na maliligo ako mag aantay pa, ganon den pagnajijingabels na at lalo na kung tinatawag na ng nature ang aking tummy. Dalawa lang kasi cr dito. Isa sa baba para sa mga boys na nagboboard din kasi isang building lang naman ang mga boys at girls. Dito naman yung isa samin.
Malelate na ako kaya bumaba ako para maligo sa cr ng boys! Medyo mapanghe as usual kasi ganon talaga ang mga fafa. Wala namang tao na kasi maaga ang mga pasok nila kaya wala ng tao dito sa baba. Kaya Roxanne takes a bath saksesfuley!
Yung bike ko pinahanginan ko bago ako nakauwi kagabi. Buti na lang may malapit na volcanizing shop dito kaya napaayos ko naman kaagad.
Ang katangahan ko kagabi hindi ko na uulitin yon." Goodmorning class! " bungad ni Teacher Sung It sa amin. Guro namin na koreana pero bongga kung magsalita ng tagalog at ingles compared sa mga ordinaryong koryana't koryano.
" Gooooooodmor-ning maaaaam" tugon naman ng kaklase kong ungag na parang grade 1 kung bumati.
Syempre di ako sumabay sa kanila kasi inaantok na nga ako sa first period gaganyan ganyan pa ako.
Di nagtagal natapos kaagad ang first period na sa totoo ay ayoko talagang pumasok kasi super boring. Ang mga kaklase ko puro babae at binabae walang fafa mga bes kaya hindi ako ginaganahan.
" Excuse me bitch! " bigla akong napausamod sa isang bulletin board matapos akong itulak ng kung sino man. Lumingon ako at nakita si Roxanne Almira ang katukayo ( kaparehas ng pangalan ) ko ang bumungad sakin.
Naturingan naman na Roxanne ang pangalan ang samang nilalang naman. Buti na lang di niya ako navirusan kasi may bahid pa naman ako ng kabutihan hehe.
" Sa susunod na tatayo tayo ka pa sa dadaanan ko hindi lang yan ang aabutin mo. " pagtataray nito bago siya umalis.
At dahil gusto kong patunayan na hindi ako bitch hinayaan ko na lang siya. Marape ka sanang kumag ka ng kapre!
Mabait ako sa panlabas pero sa isip ko pinatay na kita pinagsasaksak na kita.
" Uy Roxanne okay ka lang? " tumakbo sakin si Loli matapos makita ang pangyayari, kaya inayos ko naman yung sarili ko.
" Oo naman syempre" tugon ko saka sabay kaming naglakad.
" Ang hinayupak talagang yon makakatikim yun sakin! " bungad naman ni Miya na nasa tabi ko na pala. So nakita niya din siguro.
"Yaan niyo na. Uso ang karma" tugon para pakalmahin ang dalawa. Buti na lang tuwing class hours di nila kasama mga boyfriend nila kaya may time din kami kahit papano para sa isat isa.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Jowang Jowa Na
Novela JuvenilNAGHAHANAP PO AKO NG BOYFRIEND halata naman sa title diba? -- These days mas marunong pang lumandi ang mga grade 7 students kaysa sa mga katulad ko! Dinaig pa nila akong nineteen years nang nag exist sa mundo wala pa ring fafa na humingi ng mga k...