Hindi ko talaga alam kung ano ba dapat ang i-react. Ilang araw na rin ang makalipas pero wala pa rin akong alam na emosyon na dapat ilabas para sa nangyayari.Sakit ng katawan nalang ang alam kong nararamdaman ngayon at ang kaunting sakit sa panga dahil sa pagngiti.
"Condolence."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas sa lugar na amoy ang mga bulaklak.
"Sa wakas!" sambit ko ng maka langhap ng hangin na normal lang. Typical kung baga. Hindi amoy usok, hindi rin amoy sariwang halaman. Normal para sa lugar na ito. Naupo ako sa gilid at pinagmamasdan ang mga tao na patuloy sa mga ginagawa. Masaya, nagtatawanan, nagpipikunan, at naghahabulan.
"Malalim na masyado 'yang iniisip mo."
Napalingon ako sa isang boses na halos ilang araw ko na rin na hindi naririnig. Pagkatapos ng huling pag-alis namin at tatlong araw rito sa lugar na ito, 'di ko pa siya ulit naka-usap. Nakita.
"Paano?"
"Ang cold ng tanong. Condolence." Lumapit siya sa akin at kinamayan ako.
"Thanks. Pero paano mo nga nalaman kung nasaan ako?" malaking katanungan dahil ako lang naman ang kilala niya sa pamilya ko. Sigurado ko ring hindi siya kilala ng kaibigan ko, kung mayroon man.
"Connections?" tipid niyang sagot.
Napagod na agad ako. Hindi kaya ng sistema ko ngayon na makipag-usap. Para akong unti-unting nalalanta at wala ng iba pang paraan para sagipin kundi hayaang mag-isa sa labas. Paarawan, paulanan.
"Rayne, okay ka lang ba?" tanong niya. Nila.
Bakit ba sa pagtahimik ko, iyan lagi ang tanong nila sa mga araw na 'to? Tahimik naman ako, dati pa. Kailan ba nila ako kinausap, in the first place?
Tumayo ako at hindi ko alam kung saan pupunta. Ayaw kong bumalik sa loob. Ayaw ko rin na kausapin siya. Gusto ko munang mapag-isa.
"Rayne, stop!"
"Sino ka para utusan ako?" mag-isang lumabas sa bibig ko ang bawat salitang iyon. Alam ko masakit sa parte niya pero wala na akong pake.
Tumakbo lang ako. Hanggang pawisan at mapagod. Wala na akong narinig na kung ano pa na humabol sa akin kaya binagalan kona ang pagtakbo.
Sa pagkakataong ito, isang pamilya na naglalakad. Bawat hakbang nila, mababakas mo ang saya sa mga pagngiti nila. Ang haligi ng tahanan, na maayos na ginagampanan ang tungkulin nya.
Bakit naman kasi hindi tayo naging ganyan? Kasalan ko pa rin ba hanggang ngayon ang lahat? "Pa sagutin mo 'ko. "
Unti-unting bumabagsak ang mga patak ng luha ko. Ang panlalabo ng mata ko kahit suot ko na ang salamin ko ay nakakainis na. Ayaw ko! Ayoko!
Ang kasunod nalang na alam ko yakap ko na siya. Isang mainit na yakap na galing sa isang puwedeng maging isang maayos at magaling na padre de pamilya. Isang haligi na magbubuklod sa pamilya niya, na hindi rin hahayaang may mangyaring masama sa kanila.
"Please Rayne, be Human. Sabihin mo kung gaano kasakit. Huwag ka ng magpanggap na walang nararamdaman."
"Pero 'di ko kasi alam anong dapat kong maramdaman. " Nararamdaman ko ang kirot sa puso ko. Nanlalambot talaga ako, bakit ganito?
"Rayne saan ka ba galing?"
"Nagpahangin lang po, 'nay." Kumuha ako ng baso at ng maiinom sa dispenser. Dumiretso ako sa likurang bahagi at ibinigay sa kaniya ang maiinom.
"Salamat." tugon niya at isang hingahan lang at ubos niya na ang iniinom niya.
"Ako ang dapat magpasalamat."
Hinawakan niya ang kamay ko at 'di ko alam ang dapat gawin. Tatanggalin ko ba o hindi? Hahayaan ko lang ba na mahulog ako o sisikapin ko na iangat ang sarili ko habang maaga pa?
Naramdaman ko. Ang tingin nila sa akin, ng Pamilya ko. Ayaw ko man, pero napilitan nakong bitiwan ang kamay niya.
"Bukas nalang." sambit ko na agad naman niyang nakuha.
"Magmamano muna ako sa pamilya mo." tugon niya.
"Huwag na."
Hindi ko na siya inihatid papalabas dahil sa pamahiin niya kaya naiwan nalang ako ulit sa loob. Ramdam ko ang pag-iisa ko kahit may iilang tao sa lugar.
"Sino 'yon? Boyfriend mo?" isang tanong galing sa kaniya ang narinig ko. Isang tanong na galing sa kaniya na matagal ko nang hindi nararanasan. Ang tanungin.
"Hindi po." tipid kong sagot. Tumayo ako sa kinauupuan ko at humanap ng mapagkaka abalahan.
"Hindi pero kung makapaghawak-kamay kayo. Galangin mo naman sana ang Tatay mo kahit ngayon lang!"
Manhid na ang puso ko, alam ko. Pero ang kirot nito ngayon ay tagos hanggang loob. Kasalanan ko ba na sa tuwing may gusto sila na ayaw ko, pinipili ko yong kagustuhan ko. Sa tuwing gusto nilang dapat ganito ako, at tutol ako masamang tao na ako? Bakit madaya? Bakit naging black sheep ako ng pamilya ko dahil doon?
"Uuwi lang po ako sa bahay." agad na akong lumabas doon at humanap ng masasakyan pauwi.
Pagdating sa bahay agad akong dumiretso sa kuwarto ko at nahiga. Nararamdaman ko sa puso ko ay galit. Naiinis lang ako sa kanilang lahat at ramdam ko, wala na akong puwedeng malapitan. Sa tuwing aasa kasi ako na meron, nawawala sila. Masakit na. Ayaw kona ulit.
"Anak bumili tayo ng mga gamit mo." sambit niya habang karga niya ako sa bisig niya.
"Talaga po 'tay? Salamat po."
Ang pagiging "daddy's girl" ko talaga noon ay hindi mo mapagkakaila.
"Nandyan na ang tatay niyo." Sigaw ni Mama kaya napatakbo na ako papalabas ng kuwarto.
"Tatay!" masaya kong bati at binigyan siya ng isang halik sa pisingi.
"Buti gising kapa? Ito ibibigay ko na sa'yo itong laruan mo." Binuksan niya ang bag niya at iniluwa nito ang isang laruan para sa akin.
Isa sa mga masasayang araw na naranasan ko ngayon.
Nagdilim bigla ang paligid at isang segundo lang naramdaman ko ang mainit na luha ang pumatak sa pisngi ko.
Panaginip.
Tumayo ako sa kama at hawak ko pala ang laruang huli kong natanggap na ramdam ko ang pagmamahal. Purong pagmamahal
Alam ko sa sarili ko ngayon na naiingit ako. Hindi ko na maranasan yong pagmamahal ng isang ama na tulad ng dati. Nakaka inggit na wala akong tulad ng sa kanila. Kasalanan ko man o kasalanan nila ang alam ko lang ay hindi na maibabalik ulit sa dati. Hinding hindi na dahil huli na ang lahat.
Wala ng panahon para gawin 'yon at sana kung nasaan ka man ngayon, sana maging masaya ka na. Kaya na namin to. Kaya ko na ito.
***
Hello! I'm back?It's been a while since the last update of this story no? Grabe itong ginawa ko HAHA.
Nakalimutan ko kasi 'yong account ko na ito kaya hindi ko rin siya mabuksan. Kaya ngayong nabuksan ko siya, nagsulat agad ako dahil namiss ko. Nag-update ako noong Grade 12 ako at ngayon 1st year College nako. Ang bilis lang diba? Namiss ko itong feeling na ito kaya kahit Pre-finals na namin, nagsulat pa rin ako.Nakalimutan ko na talaga sorry 'yong plot nitong story ng very light. I just continued 'yong nasimulan ko this chapter at sana naging maayos ang flow. Again, this is just product of my imagination. Si Rayne (pilosopotasya) lang ang bida, but this is just a fiction. Ayown lang.
Thank you for staying.
11:11 pm
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
RastgeleIf two ordinary stories collide. Is there a possibility that it will be an extraordinary one? The author who lives with Her own mess. Her own story that she calls a life. The normal human being who lives with His own havoc. An author. Not a stranger...