PART 19

1K 7 0
                                    

Ang isang larawan ay kuha mismo sa batuhan sa aking panaginip.

"bakit may larawan si daddy at nang babaeng ito?" usal ko. Nang walang ano-ano ay may nagsalita sa aking likuran.

"L-IBRA, anak... Siya ang mommy mo" wika ng aking daddy. Lumingon ako dito at nakita kong may tumutulong luha sa kanyang mga mgata.

Hindi ko naman alam ang aking gagawin sa aking nalaman. Muli kong tinignan ang larawan at hinaplos ang mukha ng aking ina. Humikbi ako at napasalampak sa sahig ng library. Hinawakan ko ang larawang iyon ni mommy at hinalikan ito. Itinapat ko sa aking puso at humulagpos ang aking mga luha. Ang hikbi na pinipigilan ko ay naging iyak.

"m-ommmmy!" sigaw ko at para akong bata na hinahalikan ang kanyang larawan kasabay ng pagpatak ng masaganang luha sa aking mga mata.

Inakap ako ni daddy at ramdam ko rin ang bigat na kanyang nararamdaman. Nilingon ko ito at nakita ko na tulad kong umiiyak din siya.

Humarap ako sa kanya at para akong bata na umiyak sa kanyang kandungan.

"tahan na anak, nandito na man si daddy" bulong ng aking ama sa akin.

"o-o-po, dad" wika ko naman habang humihikbi.

Marami pang mga larawan na ipinakita sa akin si daddy. Mga kuha nila sa dalampasigan kong saan iyon ang kanilang tagpuan. Mga larawang kupasin na pero mababanaag mo parin ang ligaya nina mommy Marivick at daddy Bernard.

"d-ady! May sasabihin ako sayo" pagputol ko sa katahimikan namin.

"ano iyon anak?" tanong naman niya.

Doon ay ikinuwento ko ang aking mga panaginip sa babae na aking ina. Gumiti naman si daddy sa aking mga kuwento dahil pati sa kanya ay nagpaparamdam sa panaginip si mommy. Hiningi ko naman kay daddy ang isang larawan ni mommy at inilagay ko ito sa mesa sa aking silid.

Minsan kapay nalulungkot ako ay kinukuha ko ang larawang ito at kinakausap ko. Dito ay malaya akong nasasabi kay mommy ang lamang ng aking puso at bigat ng aking dibdib.

>> SUMMER na noon at nasabi ko sa aking daddy na magbabakasyon muna ako sa hasienda nila sa Davao. Lingid sa kanyang kaalaman na gusto kong pumunta doon upang makapag-isip kong sino ang pipiliin ko sa mga lalakeng nagpapahiwatig sa akin ng pagmamahal.

Pumayag naman ito at tinawagan niya ang tauhan nito upang sundoin ako dito sa Manila upang hindi ako maligaw sa pagpunta roon.

Napakasaya ko sa araw na iyon. Agad akong nag-empake ng aking mga gamit. Inilagay ko naman ang kuwintas at singsing na ibinigay sa akin ni kuya Eric sa maliit na box na lalagyan ko ng mga alahas upang patas ang pagtimbag ko sa pagmamahal ko sa tatlong lalakeng itinatangi ng aking puso.

>> Nakasakay na kami ng barko ni Rodel ang tinawagan ni daddy sa surundo sa akin. First time ko na makasakay ng barko kaya laking tuwa ko nang naglalayag na kami. Pumunta ako sa taas ng barko at doon ay tanaw ko ang kabuoan ng dagat.

Napakalawak pala iyon at kung titignan mo ito ay parang walang hangganan. Pumunta ako sa isang sulok kung saan ay walang tao, doon ay tumayo ako. Napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw at parang kay lapit-lapit lang ang langit.

Isang sandali pa ay nagkagulo ang mga tao. Hindi ko rin alam ang aking gagawin sa oras na iyon hanggang sa magtagilid na ang barkong sinasakyan namin at napag-alaman kong na butas pala ang gilid ng barko. Tumilapon ako at tumama ang aking ulo sa isang bakal, sa subrang sakit nito ay para mawawalan na ako ng ulirat. Hanggang sa maramdaman kong may umakap sa akin, pilit kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko na si mommy Marivick iyong umakap sa akin.

"m-ommmy" sigaw ng utak ko at tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

<<NAKARAAN>>

NAPAG-ALAMAN ni Bernard mula sa tauhan niya na nawawala ang kanyang asawa at mula daw sa mga kapitbahay ng mga ito ay tatlong ara na daw itong hindi umuuwi sa kanila.

"Marivick na saan ka na ba?" bulong nito sa kanyang sarili.

Pagkatapos na pagkatapos na inilibing ang kanyang inang si donya Nerica ay lumuwas agad ito sa Maynila. Pagod man at nangangatal ang katawan pagkarating sa kanilang inuupahang bahay ay agad itong naligo at nagbihis. Agad na pumunta sa pulisya si Bernard upang ireport na nawawala ang kanyang asawa. Hindi pa nagkasya ito at pumunta pa sa mga NBI upang magpatulong upang mas madali amg paghahanap niya kay Marivic.

Parang gumuho ang kanyang mundo sa mga sunod-sunod na trahedya sa kanyang buhay. Una ang pagkamatay ng ina at ang ikalawa ay ang pagkawala ng kanyang mag-ina.

Sa mga nagdaang buwan ay wala paring resulta ang paghahanap ng pulis at NBI, parang nawawalan na ng pag-asa ang kaawa-awang si Bernard.

{LABIN DALAWANG TAON ang nakalipas}

"Alfonso" wika ni Maria sa asawa.

"ano iyon Maria?" si Alfonso.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon