PART 23

964 6 1
                                    

NAALIMPUNGATAN si Eric nang madama niyang gumalaw ang kamay ni Libra.

"bunso" wika nito.

Tumayo siya at pinagmasdan ang mukha ng kapatid. Nang unti-unting gumalaw ang talukap ng mata ni libra. Lubos ang kagalakan ni Eric sa mga sandaling iyon.

"bunso, ako ito ang kuya Eric mo" bulong niya.

Unti-unting iminulat ni Libra ang mga mata. Ubod tamis naman ang ngiti ni Eric sa mga sandaling iyon, sa wakas ay nagising na rin ang kapatid sa matagal na pagkatulog.

"ano ang nararamdaman mo bunso" si Eric muli. Pero nanatili lamang na nakatitig si Libra dito.

"sino ka?, at nasaan ako?" wika naman ni Libra.

Ang napakatamis na ngiti ni Eric ay napalitan ng lungkot. Ganoon pa man ay sinikap niyang ipinaliwanag sa kapatid kong sino siya at kong ano ang nangyari dito.

Nagising na rin si Bernard at kinausap ang anak pero ganoon pa rin ang sagot nito at nagtatanong kong sino siya. Agad namang tinawag ni Eric ang doctor at ayon dito ay normal lang daw na magkaroon ng temporary amnesia si Libra dahil sa nangyari na pagkabagok ng ulo at nagkapinsala ang bungo nito.

Ganoon pa man ay napanatag na ang loob ni Bernard dahil naging maayos na ang kalagayan niya. Dalawang linggo pa ang nakaraan na sinabi ng doctor na maaari nang lumabas si libra. Sa dalawang linggong nagdaan kasi ay inobserbahan pa siya ng mga doctor at idinaan siya sa maraming test upang masiguro ng mga ito na okey na nga ang kanyang kalusugan.

Daig pa ang fiesta sa bahay nina Bernard ng umuwi na ang mga ito buong baryo ay dumalo sa napakagarbong handaan at dumalo din ang lahat ng kanilang mga kakilala.

<<NAKARAAN>>

MAPAYAPA namang nakarating si Bernard sa Davao. Agad nitong tinungo ang pagamutan na pinagdalhan kay donya Nerica.

"mama" bungad nito at nilapitan ang inang nanghihina. Tinitigan naman siya ng kanyang ina.

"B-ernard a-nak" wika namam ni donya Nerica at inabot nito ang mukha ng anak. Inilapit naman ni Bernard ang mukha nito sa ina.

"a-anak, p-patawarin mo a-ako" bulong ng ina kasabay ng pagdaloy ng luha nito.

"mama, huwag na po kayo magsalita makakasama po sa inyo" si Bernard.

"B-bernard a-anak, mahal na m-mahal kita at b-bago ako pumanaw nais ko-ng malaman mo na napatawad k-ko na kayo ni M-marivick" paliwanag ng ina nito. Ganoon pa man ay masaya na rin ito dahil napatawad na sila ng kanyang ina.

"A-anak, may i-iniwan si J-jasmine na bata, b-binayaran ko siya upang m-manahimik si C-chad, nalaman ko nitong n-nakaraan mga buwan na hindi mo pala siya tunay na a-anak. Kahit g-ganon sana m-mahalin mo siya alang-alang sa a-akin." wika pa ni donya Nerica at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

"maaamaaaaaa!" sigaw ni Bernard at inakap ang ina ng napakahigpit.

Nang mahimasmasan na ito ay kinuha ang cp at tatawagan si Marivick upang ibalita dito ang nangyari pero nakarami na ito ng dial pero walang sumasagot.

Lubos ang bighati ni Bernard kahit hindi niya tunay na anak si Chad ay inako na niya ito dahil ito ang bilin ng ina at ipinangako naman niya sa puntod ng ina na aalagaan ito.

>> NAGING mailap naman si Libra sa lahat.

Isang araw habang nasa tabi siya ng swimming pool at nagmumuni-muni ginulat ito ni Chad at nahulog ito sa pool, tatawa-tawa pa si Chad sa nangyari.

Agad na umahon si Libra at sinikmurahan ito. Sa gulat ni Chad sa nangyari hindi agad ito nakaimik.

"walang modo, ganyan ba ang kapatid?" sabi nito kay Chad at galit na galit itong iniwan na natulala.

Nang makabawi si Chad sa pagkabigla ay agad nitong hinabol ang kapatid.

"Libra!, tol, wait" wika nito.

"leave me alone!" bulyaw ni Libra sa nakasunod na si Chad.

Wala namang nagawa si Chad, pinabayaan na lamang nito ang kapatid. Alam niya na hindi na gaya ng dati ang lahat at kasalanan nito ang nangyari. Inunawa na lamang nito ang kapatid.

"tol.. S-sory" bulong na lamang nito sa sarili.

MAGHAPON na hindi lumabas si Libra sa kanyang silid. Ayaw kasi niyang makasalamuha ang mga tao sa kanyang paligid.

"tama ba ang ginagawa ko?" tanong nito sa sarili. Hanggang sa makita nito ang larawan ng ina sa kanyang mesa malapit sa kanyang kama.

Ito lamang kasi ang natatandaan nito dahil bago siya nagising sa hospital ito lamang ang mukha na nakatatak sa kanyang tulirong isipan.

Kinuha niya ito at niyakap...

"mommy nasaan ka?" pabulong na wika nito at kumawala ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa siya ay unti-unti nang nakatulog.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon