HATING BAKLA
(SHERIDAN)
by imrodsy23
Trouble 12"SIGURADO ka ba sa damdamin mo sa anak ko?" Si Mr. Manalo sa tanong na naninigurado.
Matapos maikwento at maidetalye nina Calvin at Shersher ang nangyari sa una ay kinausap ng mag-asawang Manalo si Calvin nang sarilinan sa silid mismo ng mag-asawa Pagbaba ng mga ito ay payag na ang mag-asawa na doon muna pansamantalang tutuloy si Calvin. Kung paano ang naging usapan ng tatlo ay ang mga ito lang ang nakakaalam.
Sa ngayon, ang pamilya Manalo ay kasalukuyang pinagsasaluhan ang hapunan, subalit may isang binatilyo ang naroon---si Calvin. Nasa kanang bahagi ng hapag-kainan, katabi si Sheridan.
At mula sa kinakain ay sabay na napaangat ng mukha ang dalawa. Nagkatinginan bago sumagot si Calvin sa tanong ni Mario.
"Ang totoo po, kailanman ay hindi pa ako naging ganito kasigurado sa nararamdaman ko para sa taong nagugustuhan ko," ani Calvin saka masuyong ngumiti kay Shersher.5 "Kaya opo, siguradong-sigurado akong mahal ko ang princess beks n'yo."
Sa narinig ay napatungo si Shersher sa pag-iinit ng mukha.
Ngunit may kumalansing...
"Princess beks?" si Rolanda na pahisteryang ibinagsak ang tinidor sa plato. "Halur! Ako ang princess beks nila---"
"Kumain ka lang, Rolanda!" saway ni Mrs. Manalo kay Rolanda na nasa kaliwang bahagi ng mesa. Pinandilatan ito ng ginang nang makitang bubuka muli ang bibig.
Tumikhim si Mario. Deretso ang tingin sa binatilyo. "Calvin, ang sabi mo ay sigurado kang mahal mo si Sheridan, paano mo nasabi?"
Napangiti si Calvin habang si Sheridan ay humihigpit ang hawak sa kutsara't tinidor. Tuloy lang sa pagkain.
"Nasabi ko pong mahal ko siya dahil siya ang itinitibok ng puso ko." Ang sagot na buo ang tiwala sa sarili. Umakbay pa ito kay Sheridan.
Napaismid si Mario. "Pinaglololoko mo ako, bata. Wala bang dugo 'yang puso mo at si Shersher pa ang kailangang magpatibok nito?"
Naging tabingi ang ngiti ni Calvin. Napakamot sa sentido habang natatawa si Sheridan.
"Mario, ano ba 'yang interogasyon mo? Naaabala sa pagkain ang mga bata. Nag-usap na tayong tatlo sa taas 'di ba?"
Nagkibit-balikat si Mario. "B'weno, gayong sigurado ka naman pala'y doon ka na sa k'warto ni Sheridan tumuloy. Magtabi kayo. Bahala na kayo kung magsisiping kayo. Wala naman mabubuo kung sakali, kahit pa siguro fertile si Sheridan." Ang lahad na nagdulot ng iba't ibang reaksyon sa apat na nakarinig.
Si Edita na nahampas sa braso ang asawa sa panlalaki ng mga mata.
Si Shersher na nag-angat ng mukha at ilang beses pang napakurap. Sa pag-iinit ng mukha at kumakabog na dibdib ay tumingin siya kay Calvin para lang makita ang namimilyo nitong pagngiti na kasinlawak na yata ng universe.
Pero si Rolanda na kanina pa malagkit ang tingin sa lahat ng bahagi ng katawan ni Calvin ay hindi pabor sa deklarasyon ng ama.
"Excuse me!" Tumayo ito sa pamumungay ng mga mata at senswal na pagkibot ng mga labi. "May I suggest na hati kami ni Sherlock sa mga days with Calvin?"
Kaya naman natuon sa baklita ang atensyon.
Sherlock? Nag-uumpisa na naman ang maharot na 'to! Sige lang! Sagarin mo ako! Sa napipikong kalooban ni Sheridan. Masama ang tingin na ipinukol sa kapatid.
"Well," patuloy ni Rolanda. "May pitong araw tayo sa isang linggo, right? Hatiin natin kapatid, sa akin si Calvin kapag Lunes, Martes, Myerkules at kalahati ng Huwebes. At ang natitira, sa 'yo na."
BINABASA MO ANG
Bakla 2: Hating Bakla : SHERIDAN (GayRomance) (Completed)
Romance"Nang muli kitang makasama at makita ang mga ngiti mo. Inisip ko na parang masarap lumimot sa galit at ikaw na lang ang isipin ko." Una pa lang... doon sa Dolores High School; nasa puso na niya si Calvin Formalejo. Tinatanaw... hinahangaan at lihim...