Miruelle
In every girl there is always a man she'll never forget.
A man that she never thought she will ever met.
The man that she will love dearly.
Hindi ko maiwasang mapasimangot kay beshy habang naririnig ang mga binabasa niya. Why can't she just read it to herself? Bakit kailangan pa niya basahin ng malakas.
At kailan pa siya nahilig sa pagbabasa? Pagkakaalala ko siya ang pinaka number one basher ko pag nauubos ang oras ko sa kakabasa ng novels and poetry books. Tapos ngayon parang nabaliktad yata.
Ako na ang naiinis sa kakabasa niya ng poetry books about love.
"Titigil-tigilan mo na nga ako Jan sa kakabasa mo Margaret." Ismid kong sabi sa kanya saka tinakip sa kanya ang kumot.
"Ihhh. Beshy naman eh. Alam mo naman broken yung tao eh. Just support me please." Eksahedarang sabi nito na may kasama pang pagpahid ng luha na akala mo naman may luha talaga saka nagbasa ulit ng panibagong tula.
Napairap nalang ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Gosh. Ilang araw na siyang ganyan simula ng makauwi kami. Walang ibang ginawa kundi magdrama at magfeeling brokenhearted na kung tutuusin ay hindi naman.
Ngayon lang yata ako nakakita ng babaeng brokenhearted kuno dahil lang malayo siya sa boyfriend niya.
"Teka kayo na ba ni Arkin?" Biglang tanong ko. Sa pagkakaalam ko kase hindi pa naman sila. Pero kung maka sabi na ng brokenhearted itong kaibigan ko ay oa na.
"Uhm. Hindi pa." Napaikot nalang ako ng mata sa sagot niya. Seriously?
"Pero nanliligaw na siya sa iyo?" Tanong ko ulit. Na mabilis naman ikinailing ng ulo niya.
"What the? Hindi kayo at hindi ka rin nililigawan pero kung makapagsabi ka ng brokenhearted ka wagas." Naiiling na sabi ko. Grabe ngayon ko lang yata nakita ang ganitong side ni Margs. As far as I remember nung college days namin allergic siya sa lalaki. Tapos ngayon kung makapag anunsyong brokenhearted dinaig pa si Angeline Quinto.
"Basher ka Mir. Ramdam ko na kaseng siya ang the one at Mr. Right ko. Hindi man namin sabihin sa isa't isa through words ang tunay na nararamdaman namin ay ramdam na namin iyon." salaysay nito na ikinanganga ko.
"Tsk. Kelan ka pa naging love expert?" Naiiling nalang ulit ako sa kanya.
Nagkibit-balikat lamang ito at itinuon nalang ulit ang atensyon sa librong hawak niya. Ako naman ay humiga ng patagilid at niyakap ng mahigpit si Phineas at Ferb.
Nakakatatlong tilaok na ang manok, mataas na rin ang sikat ng araw pero ito kami nakahiga pa rin sa kama. Si beshy na nagdadrama samantalang ako naman ay inaalala ang mga masasayang pangyayari sa Cebu.
Pangalawang araw na namin dito simula ng makauwi kami galing sa Cebu. At masasabi kong namimiss ko na ang Cebu. Ang masasayang alaala namin doon.
Pagkatapos ng araw ng kasal ni Gina ay nanatili pa muli kami sa resort namin para mamasyal. Sinubukan namin lahat ng activities doon. Tulad nalang ng pagsakay ng banana boat, island hoping, diving, namasyal sa lungsod namili na rin ng pasalubong. Tuwang-tuwa nga ang magkambal na Erol at Eris dahil halatang bago sa kanila ang ibang mga bagay. Palibhasa laking states kaya may pagka-ignorante. Buti nalang nanjan sila Ann at Kate na todo alalay sa kanila.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.