Nandito kami sa tambayan namin ngayon.
Kasama ko ang mga tropa ko at syempre ang taong mahal ko ♥. Matagal ko na din siyang crush. Since Grade 6 crush ko na siya at hanggang ngayong 3rd Year High School na ako crush ko parin siya.
Nagpapasalamat ako sa mga friends ko dahil nagkalapit na kami. At ngayon nga kabarkada ko na rin siya. Masaya na ako kahit friends lang kami atleast kahit papaano nakakasama ko siya. Nakakasama ko siyang tumawa. Nakakasama ko siya kung may lakad ang tropa. Okay na ako sa ganito.
Alam kong alam niya yung feelings na nararamdaman ko para sa kanya. Paano ba naman niya hindi malalaman eh yung mga friends ko lagi akong inaasar sa kanya.
"Uy Liloree sama ka samin mamaya!" Fatimz
"Saan pupunta?" tanong ko
"Manunuod tayo ng basketball sa plaza. Sumama ka na!" pagyaya naman ni Christine
"Oo nga Liloree kasama si Mikoykoy!" Princess
Ayan na naman sila. Lagi na lang nila ginagawang dahilan na kasama si Mico.
Btw, I'm Liloree Ramos. I really love music but unfortunately music doesn't love me. HAHAHA. Crush na crush ko si Michael Joseph Alvarez. O mas kilala sa pagiging Mico.
"Nako! Gagabihin ba tayo? Baka mamura ako eh" Hais! Ito ayaw ko. Di ako makajoin sa kanila kapag nagala sila tuwing gabi >//<
"Hindi yan. Kami bahala sayo!" Hanna
"Tss. Sige"ayan napapayag ako. Tss. Kasi kasama si Mico eh. Sayang naman!
After naming magusap-usap umuwi na kami para maligo. 4:30 daw kasi ang punta namin sa may Plaza.
At eto nga nandito na kami sa Plaza. 8:30 na ng gabi. Kinakabahan na ako. Lagot ako nito pag uwe >///<
Nung umuwe kami sa bahay. Katulad ng inaasahan ko namura ako ng Mama ko. Pero okay lang yun sakin. Atleast nakasama ko naman siya♥
*Beep*
From: Takaw♥
Takaw!
Omo! Nagtext na siya sakin >///<. Opo. Nagkakatext kami. Feeling ko nga nagkakamabutihan na kami eh. Pero baka masyado lang talaga akong feelingera =___=
Ganon lang lagi ang naging buhay ko ngayong bakasyon. Pagkatapos maglinis ng bahay. Pupunta sa tambayan namin. Tapos pag nagkayayaan pumunta sa dagat pupunta rin kami.
Habang tumatagal lalo akong napapalapit sa kanya. Nagiging close na din kami. Kapag nagkakatext kami nagpapalitan kami ng 'iloveyou'.

BINABASA MO ANG
That's Enough. I'm Tired(One shot)
Romance~Sometimes the things you want the most don't happen and what you least expect happens.