Matapos ang ilang taon, tumanda na ako, tumanda na si Qwerty, tumanda na si Asdfghjkl;, at lalong tumanda si Toniongpanot. Joke. Wala pa namang ilang taon mula nung kagatin ng aso si Antonio. Wala namang rabies si Asdfghjkl;, pero tinurukan pa rin si Tonio ng anti-rabies para sure na safe siya.
"Stone, isang buwan na, wala pa ring difference?" tanong ni Gunther panget sa akin habang tumitingin sa kanyang laptop na decorated with love.
"Magpakabusy ka muna sa pagcocompose mo pare." tapos ay nilagay ko sa tabi ng laptop nya yung kapeng tinimpla ko. "Masarap yang kape."
"Natural masarap yan, timplado na eh." ito naman, panira ng moment. Palibhasa alam nyang 3 in 1 yung coffee na inihanda ko.
"Alam mo na ba yung balita?" Sabi nya, napakunot naman ang noo ko.
"Balita saan?" umupo ako sa tabi nya para makinig sa mga ikukwento nya.
"Si Zeph at Zero."
"O anyare kay Zeph at Zero?"
"........"
"......." pareho kaming tahimik ng mga ilang segundo.
"Anyare na kasi?!" tanong ko ulit. Lalong sumeryoso yung mukha nya. Nako, masamang balita ba ito?
"....."
Dot Dot Dot.. .Buffering... Connecting, Dialling... slow poke. Malay sumagot.
"Ayon, maganda pa rin si Zeph." bastos na Gunther. Akala ko napaka-importante! Tumayo ako at iniwan siya doon. Wala na talagang matinong makakausap ngayong araw. Si Qwerty busy naman sa kanyang mga commercials at mga guestings. Samantalang kami, heto, naghihintay muli sa aming comeback album. Si Gunther ay busy sa paggawa ng mga kanta namin. Mamaya-maya tutulong na rin si Zero sa paggawa ng lyrics.
Nakita ko si Tyrell na nagvovocalize sa kwarto. "Oh, Stone! San punta?"
"Papunta sa'yo, di ba obvious?"
"Ay! Badtrip ba? Sorry." sabi nya sabay kanta muli.
"Oo nga pala, gusto mo ba mag-work out?" tanong ko sa kanya.
"Si Clayne yayain mo, mas kailangan nya yon." Bakit ang susungit nila ngayon? May mali ba akong nagawa? Sabihin nyo sa akin? San banda pagkakamali ko bukod sa pagka-pogi ko?
Nagpalit ako ng damit na pang work out saka dumiretso ako papalabas ng dorm. Dahil baliw mga tao sa dorm, nagdecide na ako na ako na lang mag-isa ang magwowork-out sa gym. Magpapagood vibes ako. Pero mukhang hindi goodvibes.... nararamdaman ko na.
After ten minutes ng paglalakad nakarating na ako sa gym. "Good morning po sir!" bati sa akin nung nasa counter. Naglog-in muna ako para may silbi naman yung membership ko dito. hahaha!"
"Sir, naghihintay na po yung instructor nyo sa left side po." tumango na lang ako at naglakad. At sinasabi ko na ngang bad vibes eh!
"Si Anthony yun di ba?"
"Ang pogi nya talaga!"
"Kyaaaa!"
E si Moon Stone? Hindi nyo papansinin?! Hello! Mga ladies, mas pogi ako dyan! Lingon kayo, to the left to the right!
Dumaan ako sa gitna nung mga babaeng haliparot at at naglakad na papunta sa instructor ko. E kausap nya si Antonio...
"Stone! Dito ka rin?"
"Oo nandito rin ako kasi wala ako doon." sagot ko.
"Magkakilala kayo?" tanong nung instructor ko.
"Yup. Kababata." sagot ni Antonio.
"Wow naman!" bilib na bilib yung instuctor namin. Para maimagine nyo itsura ni instructor, imagine kayo ng kalbong malaki katawan na may suot na swimsuit. Para kasing swim suit yung suot nya sa sobrang pagkafit. -__-
BINABASA MO ANG
Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]
Humor"Ako si Moon Stone, ang pinakapogi sa balat ng tinalupan, pero si Qwerty melabs hindi pa rin tinatalaban ng poging powers ko. Paano na?" Ang prologue po nito'y nasa last part ng Book 1 Cover credits: @cutiegogo ^__^