Chapter 12

1.1K 40 2
                                    

AN: Merry Christmas ebliwan!! Nagbabalik ang inyong lingkod. Enjoy reading dearest...... 😍😘😘

================================

"I NEED to perform the surgery now. Please prepare the operation room." nagmamadali niyang sabi sa assistant na si Jane.

Isang pasyente kasi ang isinugod sa kanilang clinic sa isla dahil sa dinaramdam nitong sobrang pananakit ng tagiliran. Matapos ang ilang lab tests ay napatunayan niya na tama ang kaniyang hinala na mayroon nga itong problema sa appendix nito.

She can perform the operation but the problem is, masyadong mababa ang blood pressure nito. At posible na bumaba pa ang rate ng dugo nito habang nasa kalagitnaan sila ng operasyon. But now she had to make a decision as the Doctor.

Sinalubong niya ang humahangos na Nurse na inutusan niya kaninang maghanap ng RBC (red blood cell) para sa O type.

"Doc. I'm sorry, wala po tayong stock na RBC para sa O type. Nagkaroon po kasi ng delay sa delivery dahil sa bagyo. Wala rin po tayong nakuha na type O mula sa mga nag-donate."

"Tinawagan na ba natin ang Hospital sa City?"

"Yes Doc.. Makakapagdala sila dito ng RBC pero.. Matatagalan pa.. I think, baka abutin pa sila ng dalawang oras o higit pa."

Kapag ibiniyahe nila ang pasyente gamit ang helicopter ay aabutin rin sila ng tatlumpung minuto o malamang ay higit pa. Pero sa tingin niya ay hindi rin pwedeng i-biyahe ito. Hindi parin kasi maganda ang panahon sa isla dahil sa bagyo.

"Nurse Jane." tawag niya sa kaniyang assistant.

"A-anong gagawin natin Doc?" nagpa-panic nitong sabi.

Ngumiti siya rito. "First, you have to calm down. Paano mo ako ia-assist mamaya kung pati ikaw ay nine-nerbiyos?"

Nagyuko ito ng ulo. "S-sorry Doc. Hindi lang po ako sanay na may ganitong emergency dito sa clinic."

"I understand, but please prepare the operation room and the patient. At ihanda mo narin ang sarili mo. Pupunta lang ako sa security room. I'll be back in ten minutes."

"Doc anong gagawin mo sa security room?"

Ngumiti siya dito. "Maghahanap ng dugo." nagmadali na siyang lumabas at sumakay sa kaniyang sasakyan na halos paliparan na niya papunta sa security room ng isla. Mabuti na lamang at hindi ito ganoon kalayuan sa clinic nila.

Sakto naman na naabutan niya sa labas ang security head na si Ace. Isa rin ito sa mga miyembro ng BBC at kilala rin sa pagiging palikero nito. Gusto na niyang matawa ng manlaki ang mga mata nito at nagulantang sa kaniya dahil tumigil siya sa mismong harapan nito.

"Ace, I need your help. We have an emergency. Where's the control room?" dire-diretso niyang sabi dito.

Nagsalubong ang mga kilay nito at namewang ang isang braso. "Aren't you suppose to say sorry?"

Oo nga pala muntik na niya itong mabangga. "Oh, yeah that. I'm sorry na. Look, we have an emergency. Where's the control room?" hinawakan na niya ito sa kamay at hinila papasok sa building nito. Ikinuwento na lamang niya dito ang sitwasyon habang nasa daan sila.

"Okay I get it." tumango-tango ito. "But, don't you know the usage of cellphone? You should have just contacted me, para hindi mo na kinailangan pang iwanan ang pasyente mo at pumunta dito."

Inirapan niya ito. "I don't have your number."

"Hmm. How 'bout Dale's number?" siya lang ba o sadiyang nanunukso ito?

Tumigil siya sa paglalakad at humarap dito. "Mag-kwentuhan na lang kaya tayo, no?" asar na sabi niya dito.

Napatawa naman ito sa tinuran niya.
"We're here." kaagad nitong binuksan ang control room at may ginawa itong kung ano saka siya nito pinapwesto sa harap ng mesa na may naka-set-up na desk microphone. Hinintay niya na sumenyas ito sa kaniya bago siya nagsalita.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon