Chapter 34

72 3 1
                                    

Patricia's

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at para bang nanginig ang buong katawan ko sa nakita ko.

Doyeon sitting on Minhyun's lap and they're kissing as if there's no tomorrow. Halos ulit-ulitin ko ring kurutin ang sarili ko para mapatunayan na panaginip lang ito lahat pero hindi.

"Mr. Hwang..."

May babaeng pumasok sa loob at tsaka lang sila natigil sa ginagawa nila.

"Ano ba Andrea, istorbo ka---oops hello there Patricia." Doyeon said at ngumiti sa akin na parang walang nangyari.

Nakatayo lang ako at parang tuod na nakatayo. Tumingin ako kay Minhyun. Bakit parang wala siyang pakialam? He's staring coldly at me. Hahayaan ko siyang mag-explain. Papakinggan ko siya.

"Anong kailangan mo, Andrea?" baling niya dun sa babaeng pumasok kaya natigil sila sa kababuyan nila ni Doyeon.

Gusto kong magsalita pero walang kung anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Ang sakit-sakit.

"Sir, pinapatawag po kayo ni CEO pati si Ms. Kim." sagot naman nung babae pero tila naaalarma dahil sa eksenang nadatnan niya.

"Sige na. Doyeon, mauna na kayo dun. Pasabi na lang na may aayusin lang ako." sagot niya naman.

Bago umalis si Doyeon, she kissed his cheeks first.

"We'll continue later, babe." malandi niyang sabi and she smirked at me.

Bakit hindi man lang siya pigilan ni Minhyun? Bakit niya hinahayaang gawin iyon sa kanya sa harap ko pa?

Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong sabunutan ang babaeng yun pero parang naistatwa na ako sa kinatatayuan ko at wala nang magawa.

Pagkatapos lumabas nung ahas na Doyeon na yun, naiwan kaming dalawa lang ni Minhyun sa loob ng conference room. Gusto ko mang pigilan ang sarili kong humagulgol, hindi ko magawa. My heart is really shattered in pieces right now.

Pwede bang pakisampal na lang ako?

"Anong ginagawa mo dito?" he asked coldly pero hindi tumitingin sa akin. Malayo ang tingin niya and his eyes are expressionless.

"Kailan pa? Kailan niyo pa ako niloloko?" lakas-loob na akong nagtanong kahit pa ang maririnig kong sagot ay maaaring makasakit lalo sa akin.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan ha, Patricia?" he exclaimed.

Anong pinagsasabi niya?

Mas lalo akong naiyak nang tingnan niya akong parang wala lang. Hindi siya ganun.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wag mong ilipat sa akin ang bintang. Kayo ang nakita kong walang pakundangang maglandian dito. Ano Minhyun ha? Matagal mo na ba akong niloloko ha?" sigaw ko sa kanya dahil di ko na talaga kayang pigilan ang emosyon ko.

"Tss. Ang sabihin mo ako ang niloloko mo. Kayo ni Minggyu diba? Bestfriend pero tinatalo niyo naman ang isa't-isa!"

What? Alam kong pinaghihinalaan niya si Minggyu pero ako?

"I don't know where you're getting this pero ang unfair mo na. Sinunod ko naman yung gusto mo na layuan si Minggyu yet nagkakaganyan ka pa rin?! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala kaming relasyon!" I'm about to scream.

Wala ba siyang tiwala sa akin?

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayong dalawa pala ang magkasama kanina ha?"

"Nagkataon lang yung kanina. Nagkataon lang lahat yun!"

Gusto kong magmakaawa sa kanyang paniwalaan niya ako.

"Then what are these pictures? Sinamahan pero bakit kayo magkayakap? Bakit halos maghalikan na kayo ha?" bulyaw niya sa akin sabay hagis ng mga litrato.

I examined those at laking-gulat ko nang makitang yun yung eksena namin ni Minggyu kanina while he's begging me to choose him. Maluha-luha akong tiningnan yun.

"Ano?! Nagulat ka ba dahil nalaman ko na ang tinatago niyo?! Ha?!" sigaw niya ulit sa akin. Hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin 'to.

Marami pang pictures pero may isang nakaagaw ng pansin ko. Bakit may mukha namin ni Minggyu na magkatabi sa kama at nakahubad? Napatakip ako sa bibig ko.

"Minhyun, hindi totoo ang lahat ng iyan! Maniwala ka sa akin please!" halos magmakaawa ako sa kanya.

"Hindi Patricia. Itigil na natin 'to. Ni hindi ko nga alam kung akin pa iyang batang yan."  mas lalong nadagdagan ang bigat ng nararamdaman ko sa narinig ko.

At di ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya.

"Anong akala mo sa akin?! Kaladkaring babae lang ha? Kaya kong patawarin yung nakita ko kanina pero yung pagdudahan mong anak mo'to dahil lang sa mga litratong iyan? This is unbelievable, Hwang."

Tumalikod na ako sa kanya. Wala akong ni isang salitang narinig but deep inside there's something na humihiling na sana, sana pigilan niya ako. Sana habulin niya ako pero nakasakay na ako't lahat sa elevator, wala akong nakitang anino ni Minhyun.

Para akong tuod na naglalakad papalabas sa building. Di ko namalayang hawak ko pa pala ang result galing sa check-up kanina.

Mukhang di na niya kailangang makita 'to. Hindi naman siya naniniwalang sa kanya itong dinadala ko. I smiled bitterly. Ganun niya lang ba kami kadaling papakawalan? I cried again.

Di ko alam kung saan ako pupunta. Nanlalabo na rin ang mga paningin ko but I went back to my senses when I saw a flashing light.

*booogsh*

Natumba ako pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Napahawak ako sa tiyan ko.

"Save my baby please."

And everything went black.

° ° ° ° °

Sorry. Epic yung sfx. Please vote and follow me. Hehehehe.

Appa 》》h.mhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon