Third Person's POV
"Dito ang magiging bahay natin, Arcel," malambing na sabi ni Celina at masayang hinarap nila ang napakalaking mansyon.
Hindi naman alam ni Marceline ang sasabihin niya o ni ang maging reaksyon niya dapat ay hindi niya alam kung ano. Simula noong party, alam niyang simula na ng totoong mga pagbabago sa buhay niya. Tinanggap na niya ang kung anong meron siya kaya naman ngayon, alam niyang kailangan naman niya itong panindigan.
Nahihiya na lamang siyang tumango. "O-Opo..."
Napangiti naman si Celina, sa 47 years ng buhay niya, alam na alam na niyang dadating talaga ang araw na ito. Dadating ang araw na makakaharap niyang muli ang kapatid niya.
"Wag ka sanang matakot, nandito lang naman kami para sayo. Dadating na rin ang Ate Celine mo, may kailangan lang daw siyang ayusin," sabi nito at inaya na siyang pumasok sa loob.
Kung ano ang ganda ng labas ay doble naman nitong sa loob. Napakagara ng buong paligid, may ilan ilan ding maids na inaayos pa rin ang buong lugar. Kabubukas lang ulit ng mansyon na ito kaya naman may mga kailangan pa rin naman silang linisin at ayusin.
Ilang araw na rin naman ang lumipas matapos ang napakalaking rebelasyon ng kambal, naipakilala na nila sa lahat ang nawawala nilang kapatid. Kung ang lahat ay nagulat, mas lalo naman ang kanilang papa, hindi niya inakalang may bunso pala siyang anak sa totoo niyang asawa. Ginusto man nitong lapitan at kausapin ni Marceline ay inilayo na ito ng kambal, hindi na maaatim na guluhin pa lalo ang utak ng kapatid nila.
Imposible man ang lahat pero sinong mag-aakalang natapos pa ni Marceline ang napakagulong araw niya. Ang araw noya na punong puno ng mga rebelasyon sa buhay niya na napakatagal na pa lang nakatago. Hindi naman niya sinabi na tanggap na niya ang lahat pero nakakasigurado naman siyang balang araw din ay maiintindihan niya ang lahat gaya ng sinabi ng Ate Celina niya.
"Ma! Where is she?! Nasaan na siya?!"
Pareho pa silang napatingin sa nagsalitang si Marco. Hinggal na hinggal ito na para bang pagod na pagod.
"Hijo, that sounded a bit rude. Nandito lang naman kami," mahinahon na sabi ni Celina at hinarap ang anak.
Agad namang naglakad papalapit sa kanila si Marco. "Sa wakas naman at nahanap ko rin kayo!"
Hindi napigilang mapangiti ni Marceline. Matapos kasi ang party noon, agad na siyang tinago ng mga ate niya para makaiwas sa sobrang daming tanong. Isa na nga sa mga tinaguan nila ay ang pamangkin niyang si Marco.
Nalipat sa kanya ang atensyon nito kaya naman agad siyang napayuko, hindi naman niya sinasadyang mapangiti sa pagkaaliw sa reaksyon nito. Hindi rin naman niya inaakalang dadating pala ang araw na parang hindi siya naging close sa kaibigang si Marco. Kaibigan niya na hindi niya inaasahang pamangkin pala niya simula pa noong una.
Maya maya ay naramdaman niyang may yumakap na sa kanya. "Hey, hindi ko man alam na ikaw pala yung pinsan ko noon! Ikaw yung sinasabi ni Mom na nawawala kong pinsan pero ang totoo e tita ko naman pala!" mas niyakap pa siya nito ng mahigpit. "I'm glad na hindi ka naman pala naano habang wala ka sa amin."
Hindi namalayan ni Marceline na umiiyak na pala siya. Nakayakap na rin siya sa pamangkin niya, ito na nga siguro yung iyak niya dapat kagabi na ngayon lang dumating dahil hindi niya kayang umiyak sa harap ng mga taong importante sa kanya sa kabila ng lahat lahat.
"Shhh, tahan na tita," may halong biro ang boses ni Marco na nakatulong naman agad para gumaan ang pakiramdam niya kahit hindi pa niya napapatigil ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)
HumorExpect the unexpected... [Ashfords and Marceline Apostol's Story] © MissHandsomeGray / August 15, 2014 [Ashford's Series] WARNING: (CAPSLOCK PARA INTENSE HAHAHA) I ADVICE PO NA WAG NIYONG BASAHIN TO AS LONG NA MAY REVISING OR EDITING NA NAKALAGAY. B...