Para bang oras ay di pa akma
Ako yata'y sa pag-ibig di pa handa
Baka masaktan kang di ko sadya
Baka ako pa ay mapasama.Maamo man ang 'yong nakikita
Ang tunay na ugali ko'y di mo pa kita
Di mo pa ako lubusang kilala
Kaya bawal pa magsabing mahal kitaMarami ka pang di alam sa akin
Sa mga nakaraan kong madilim
Pati mga sekreto kong malagim
At mga balak kong maïitimHayaan muna natin ang tadhana
Kapalaran sa kanya muna ipaubaya
Isantabi momuna iyong paghanga
Ihanda muna natin ang bawat isaPag ibig ay hindi isang laro
Hindi din pwedeng gawing biro
Dahil pag ang puso'y nabigo
Ang sakit matagal maglahoWag munang padalos dalos
Kilalanin mo muna ng lubos
Magtira at wag muna lahat ibuhos
Para hindi masaktan pagkatapos.