Chapter 43 ~ Mag-isa
Mia's POV:
Naparami ang aking kain. Talagang busog na busog na ako. Panadalian ko ring nakalimutan ang sagutan namin ni Bryle kanina.
Tumagal kami ng isang oras doon at malapit nang mag-alas-diyes ng umaga. Nagkaroon kami ng kwentuhan habang kumakain.
Inayos ko ang aking sarili sa cr at sumunod kina Lucas habang dala-dala ang aking mga gamit. Hindi rin naman marami-rami ang naiwang gamit ni Bryle.
Iniiwasan ko ring maalala ang naganap na pagtatalo namin ni Brye. Ayokong pagdudahan siya pero ang utak ko mismo ang nagsasabing meron nga siyang babae.
Napabuntong-hininga ako.
Ang inaasahan kong maganap dito sa Paris ay hindi naganap. At iyon ang isa ko pang ikinalulungkot. Korni mang pakinggan pero iyon talaga ang aking kagustuhan.
Ang makasama ang aking mapapangasawa at magkahawak-kamay na nakatanaw sa Eiffel Tower. Kung papalarin sana, kasama ang aming mga anak.
Perfect na sana.
Patungo na kami sa airport. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang aking puso dahil sa kabang aking nararamdaman. Papalapit na.
Iwinaksi ko ang aking naiisip at napadako ang aking tingin kay Lucas na nagmamaneho. Wala sa sariling napangiti ako.
Napansin ni Din iyon at binigyan ako ng nagtatakang tingin. Napatawa ako sa aking isipan at iniwas ang aking tingin.
Hindi ko akalaing mayroon silang mabuting kalooban noong simula. Wala sa aking isipan na kaya rin nilang makihalubilo sa iba.
Sabagay, tao rin naman sila.
Pero hindi ko inaasahan 'yon. Mula sa pagkikita hanggang ngayon, masasabi kong sumaya ako ng konti sa kanilang pangangalaga.
Hindi naman sila marahas tulad ng ibang mga bodyguards na aking napapanood sa TV bagkus ay malumanay sila. Alam nila kung kailan aasarin ang isang tao.
Mas lalo akong napangiti.
Lahat ng bagay ang may hangganan. Tulad na lang ngayon, ilang minuto na lamang ang aming gugugulin bago kami magkahiwa-hiwalay at walang chansang magkikita pang muli.
Mapait mang isipin pero iyon ang reyalidad. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkakasama o maaari ring baka hindi na.
Nakarating kami sa airport na may bigat sa aking kalooban. Pinagbuksan ako ni Lucas ng pinto at nagpasalamat sa kaniya gamit ang makatang lenggwahe ng mga Pilipino.
"Maraming salamat ginoo."
Nakangiti kong saad. Nangunot ang kaniyang noo at sigurado akong hindi niya naintindihan ang aking tinuran. Mas lalong lumaki ang aking ngiti sa labi.
Kaybilis nga naman ng panahon, pangarap ko lang makapunta dito pero ngayon, natupad na rin sa wakas. Pero may kaakibat nga lang na lungkot.
"What?" Tanong nito.
Pinipigilan kong tumawa sa kaniyang harapan at nagsimulang lumakad papasok. Naroon pa rin sa kaniyang mukha ang pagtataka.
Gamit ang earpiece, tinanong siya ni Din.
"What's wrong?"
"I didn't get what she said."
"I didn't heard anything."
Napatigil si Lucas sa paglalakad kaya awtomatikong napatigil rin ako. Tumingin ako sa kaniya ng nagtataka.
"But she spoke in a language that I could not understand." Sagot ni Lucas. Sumabat ang isa sa kanila at harap-harapan na sinagot si Lucas.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romansa"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...