Prologue

2.3M 50.4K 11.4K
                                    

Prologue


"Wada, anong almusal?"

"Breakfast? Wala. Kaya umpisahan mo nang ngumatngat ng kutsara." Sagot ko lalaking kapapasok pa lang sa kusina. Hindi man lang niya pinagkaabalahang ayusin ang magulo niyang buhok. 

Can't they use comb or something? Hindi uso? Walang pambili?

"Warden, nakita mo ba ang uniform ko?" tanong ng ikalawang lalaki. He sweetly smiled at me, na hindi man lang nakaalis ng init ng ulo ko. 

I rolled my eyes. Bakit ba sila sa akin nagtatanong?

"Ako ba ang nagsusuot ng uniform mo? Parang may binasahan ako kahapon. Uniform mo pala 'yon?" 

"Doll, nakita mo ba ang belt ko?" asked by the third guy. 

Halos masilaw ako sa pagkinang ng diamond earring niya sa kanyang kanang tenga. Bakit sa tuwing makikita ko sa isang iyan wala na siyang ginawa kundi ang hawakan ang tenga niyang may hikaw?

Pati ba naman belt?! Sa akin din itatanong? What the hell is wrong with these sea species?

"Oh, thanks to your belt! I find it very effective on killing someone's dog. Where did you buy that? Anyway, is that your dog?" I sarcastically smiled at him.

"Warden Doll, hindi mo ako ginising, late na ako." The fourth guy complained at me, na parang resposibilidad kong gisingin siya. 

"Oh, sorry I thought you're dead na kasi eh. My bad." 

"Sumagot ka ng maayos. Tandaan mo nakikitira ka lang sa pamamahay ko, wag kang umastang reyna!" iritadong sagot sa akin ng huling lalaki.

Napabuntong hininga na lang ako para sa panibagong normal na araw. Another day with these oh-so-famous Ferells.

Kasalukuyan akong nakaupo sa pinakadulo ng lamesa habang prenteng nakadikwatro at abalang nababasa ng dyaryo. Tuwing umaga na lang ganito. Kailan pa ba ako masasanay? Kanina ko pa nga silang sinasagot ng pabalang na hindi man lang nag-aangat ng ulo.

"Sino ba kayo sa palagay n'yo? Pinapaalala ko lang sa inyo mga Ferell, magkakasama lang tayo sa iisang bubong pero hindi ibig sabihin nito pwede n'yo na akong utusan. What are you? My boss?"

To make myself an effective antagonist with a sexy aura, I grabbed my glass of red juice and drank it elegantly in front of them. Sa sulok ng aking mga mata, kita ko ang sabay-sabay na pag-asim ng mukha nila sa akin. 

Who cares? As if it will kill me.

Nanatili akong tahimik na nagbabasa habang abala silang lima sa paninitig sa bawat galaw ko. Tumagal siguro sila ng mga ilang segundo bago ako makaramdam ng pagkabalisa.  How long are they going to stare-kill me like this?

"Kung gustong kumain? Magluto. Kung hindi makita ang uniform? Uso ang mata, huwag amuyin sa paghahanap. Kung laging nawawala ang belt? Wag ng hubarin. Hindi magising ng maaga? Wag ng matulog! Napakasimpleng bagay lang ng mga problema n'yo mga Ferell. Paano na kayo kung wala ako? Dapat pasalamatan n'yo ako araw araw, sa mga binibigay kong mga payo sa inyo. Kung dati basta na lang kayo humihinga dito sa mundong ibabaw, ngayon nagkaroon na ng halaga ang bawat paghinga niya. Natututo na kayo ng mga bagay-bagay..." diretsong sabi ko na lalong nagpaasim sa mukha nilang lima.

Pilit kong kinagat ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang aking pagtawa. Damn. They're so funny.

"Fuck. What the hell is wrong with her?"  asked by the most arrogant of them all. 

"Maganda na sana ang taray lang," the guy with the diamond earring grimace. 

"Ang cute nga niya." My eyebrows narrowed to that innocent smiling face guy. Seriously?

"Ayoko sa kanya hindi siya sweet." The guy with the dimples complained.

"I need sleep. Hindi na ako papasok." The other one said, sleepily. 

They started to leave the dinning area, I was about to heave a sigh of relief when someone from them faced me for the last time. 

That arrogant one, and threatened me with his words.

"We're not yet done."


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon