*the one million dollar questions*
After mag park ni Miggy lumabas na kami ng kotse nya saka kami lumakad na papasok sa mall. Grabe.. ganito pala ang feeling nun no.. ang sarap.. ang saya.
PARA kang LUMULUTANG habang nag lalakad?
"san mo gustong pumunta?" tanong nya agad sa akin pag pasok na pag pasok namin.
"ahh.. kahit saan.." ilang kong sabi.. wala naman kasi akong alam sa mall. Diba nga.. ayoko sa mall. Andami kasing tao. Pero nang Makita kong dito kami papunta. Ewan ko ba. Ni di manlang ako nag reklamo. Nag paubaya nalang ako. Mas parang na excite pa nga ako eh..
"ah ganito" sabi nya.. "kain muna tayo.. saka tayo mag libot.. o kaya manood ng sine?" sabi nya habang nakangiti sa akin.
"sige.. kahit anu" sagot ko sa kanya.
"ha ha.. shy?" tanong nya sakin. "di ako sanay na ganyan ka"
"ahm.. o..oo" mahina kong sagot.
"you don't need.".saka nya hinawakan yung kamay ko. "kain muna tayo" saka na nya ko dinala sa isang Chinese restaurant. Umorder na sya saka kami kumain. Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan habang kumakain.. kaya naman mas naging palagay na ko. Parang dati na lang. CLOSE naman talaga kami eh.
After naming kumain nanood kami ng sine. Buti nga nakaabot pa kami sa huling show eh. Nanood lang kami. Kahit na busy kami sa panonood. Di ko maiwasang matingin kay Miggy.
Miggy is a very good friend of mine.. SCHOOLMATES kaming apat nila Monica at Cloe elementary pa lang. Pero nang mag high school na kami. Umalis naman sila at nag punta ng America. Matagal din yun. And FB lang ang communication namin. Starring at him.. masasabi ko namang. Maswerte na ko. Bukod kasi sa pogi sya. Napaka bait pa. Kung baga wala ka ng maipipintas sa lalaking to.
"may naintindihan ka ba sa pinood natin?" tanong sa akin ni Miggy. Pauwi na kami. Late na rin naman kasi. May pasok pa bukas.
"ha?" tanong ko. Bakit naman kaya nya naitanong?
"wala lang.. para kasing ako ang pinanood mo eh" natatawa nyang sabi. Di naman ako nakasagot. Napansin pala nya. NAKAKAHIYA!!! "dito na tayo" sabi nya. Di ko namalayan nasa bahay na pala kami. Lumabas naman sya saka ako pinag buksan ng pinto.
"salamat" sagot ko sa kanya ng makababa na ako. Nag lakad naman na kami papuntang gate. "ahhmm salamat sa lahat ah" sabi ko sa kanya.
"walang anuman ho" nakangiti nyang sabi.
"anu.. pasok na ko" sabi ko.
"sige" sagot nya kaya tumalikod na ko para pumasok. "ahm.. Marie" sabi nya kaya natigil ako at humarap ulit sa kanya.
"hmmm?" tanong ko.
"can I court you?" tanong nya. Tanong nya na hindi ko alam ang isasagot. "ah.. hehe.. sige.. alis na ko" sabi nya sabay pasok sa kotse nya. Bumisina muna sya bago umalis.
Bat ba ang hirap sagutin ng mga tanong nayun?
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)
Novela Juvenil"ang buhay puno ng surprises" whether it is good or bad, ang mahalaga. masaya tayong ipinagpapatuloy ang buhay natin. di lang para sa sarili nating kabutihan, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa atin" -Alex