Naglalakad magisa si Vice sa mall dahil bibili sya ng regalo para sa nobyo nya. Ngayon kasi ang third monthsary nila. Pumasok sya sa isang shop at nakita ang dalawang hindi inaasahang tao.
"Vice ikaw ba yan?!" sabi nung isa.
"Ang tagal na nung huli nating nagkita!" sabi naman nung isa.
"Oo nga. Kamusta na kayo mga pare? Ikaw Billy? Babaero pa din? Hahaha!" sabi ni Vice tapos hinampas sya ni Billy.
"Hindi na ah! Baka etong si Vhong nga! Hahaha!" sabi ni Billy tapos sya naman ang sinuntok ni Vhong.
"Ikaw ba? Bakit ka nandito? Pambabae ang shop na to ha!" sabi ni Vhong kay Vice na may pangngiting asar.
"Gago! Bibili lang ako ng regalo para sa gerlpren ko!" sabi ni Vice.
"Girlfriend? Sino?"
"Eh sino pa ba? Buti nga matapos ang 2 taon eh sinagot na ako ni Liz. :)" sabi ni Vice tapos ngumiti ng pagkatamis tamis.
(A/N: Sorry ha. Kelangan ko lang to ilabas. AYOKO TALAGA SA VICELIZ. HUHUHU. WALA NA LANG TALAGA AKONG MAPILI.)
"Oh?! Painom ka naman dyan pare!" Sabi ni Billy tapos tumawa na lang sila.
"Sige sige. Tawagan nyo na lang ako o puntahan sa bahay. Dun pa din naman ang bahay namin! Eh kayo bakit kayo nandito?" sabi ni Vice.
"Bibili lang ng regalo para sa fiance ko. :)" sabi ni Vhong.
"Talaga?! Kelan ang kasal?!" sabi ni Vice na parang excited na.
"Next month pa brad! O sya. Mauna na kami ha!" sabi ni Vhong tapos umalis na sila ni Billy.
~ ~ ~ ~ ~
"Happy Monthsary hon. :)" bati ni Vice nang makapasok si Liz sa bahay nya. Naghanda sya ng isang candle light dinner. Lumapit sya dito at niyakap. Hinalikan nya din ito sa noo. Pero tila parang walang reaksyon si Liz.
"Hon? May problema ba? Hindi mo ba nagustuhan ito?" tanong ni Vice kay Liz.
"W-We need to talk." sabi ni Liz. Umupo sila sa sala. Kinabahan bigla si Vice.
"M-May problema ba Liz?" tanong ni Vice na kabadong kabado sa sasabihin ni Liz.
"I'm sorry Vice. It's not working anymore." sabi ni Liz.
"A-Anong it's not working anymore na pinagsasabi mo dyan?!" sabi ni Vice.
"Wala na yung spark eh. Yung spark na nakita ko nung nanliligaw ka pa lang sa akin." sabi ni Liz na nakatungo.
"What are you trying to say?! Diretsuhin mo na!" sigaw ni Vice na ngayon ay umiiyak na.
"I-I'm breaking up with you. I'm sorry Vice." sabi ni Liz na nakatungo pa din.
"May iba na ba?" tanong ni Vice coldly.
"Hindi yon. Wala na talaga lang akong-" naputol ang sasabihin ni Liz dahil biglang sumigaw si Vice.
"MAY IBA NA BA?!" Sigaw ni Vice.
"OO MERON!" sigaw ni Liz. Napaupo na lang si Vice at parang nanghina. Niyakap sya ni Liz pero tinulak nya ito.
"Get out." sabi ni Vice.
"Pero-"
"I SAID GET OUT!" lumabas na si Liz at umiyak na ng umiyak si Vice.
~ ~ ~ ~ ~
"Manong. Nasa loob po ba si Vice?" tanong ni Billy.
"Opo ser. Kanina pa nga ho nagwawala eh." sabi ni Manong sabay kamot sa ulo.