maybe (^__^)

49 5 3
                                    

 

"ahm... Miggy... yung tanong mo sakin last week... Oo na sagot ko dun" sabi ko habang asa garden kami ni Miggy. Si Miggy naman na nakikipag laro kay Ana eh biglang natigilan saka napatingin sa akin.

"Oo?" tanong nya.

"oo"sagot ko saka nahihiyang ngumiti.

"it mean.. you are now my girlfriend?" gulat na tanong nya sakin.

"ahmm oo.. ayaw mo?" takang tanong ko.

"syempre GUSTO!" Sabi nya saka ako nilapitan saka binuhat. "YES!! YES!!" masayang sabi nya.

"uy.. ibaba mo ko." Sabi ko habang buhat pa rin nia ko at inikot ikot pa. Kahilo.

 

"I promise... di ka mag sisisi.. I promise!" masayang sabi nya. Tumango naman ako sa kanya saka ko sya inakap. Sana nga Miggy.. Sana nga di ako magsisi.

---o---

 

"kamusta  naman yung naka in relationship ang status sa FB?" Bungad sa akin ni Monica pag pasok ko.

"kinikilig naman ako" sabi naman ni Cloe na halata mong kinikilig nga.

"ewan ko sa inio" sabi ko sakanila saka dumiretcho sa upuan ko. Tiningnan ko kung may notes ulit si Miggy na iniwan. Pero wala. Nagulat naman ako.. bakit wla?

"congrats" dinig kong sabi ni Ana. "buti naman kayo na" sabi nya. Wow ah.. kelan pa sya nagging interisado sa lovelife ko.

"TY" saka ko sya nginitian. Nakatingin lang sakin si Andrew na nasa gitna naming dalawa. Nawala yung ngiti ko ng mapansin sya. Para kasing ang lungkot nya. Tinanguan ko nalang sya. Anung problema ng lalaking to?

After class naiwan pa rin ako sa gazebo. Hinihintay ko kasi si Miggy. Susunduin nya kasi ako ngayon eh.

"panu una na kami ah" sabi ni Monica.

"sige" sagot ko sa kanilang dalawa saka na sila lumakad paalis.

"wala pa sya?" nagulat ako ng may mag salita sa likod ko.

"ay palaka!" gulat na sabi ko.

"mas pogi naman ako sa palaka" sabi nya saka umupo sa tabi ko.

"sang banda?" sagot ko sa kanya.

"dito oh" saka sya nag pogi sign.

"ang kapal... kapal" saka ako umiling.

 

"Mag naman.. Pogi naman talaga ako ah?" natatawa nyang sabi sa akin.

"oo nalang nuh Andrew" sabi ko saka na rin nakitawa.

"hindi na ping ang tawag mo sakin ngayon ah" biglang sabi nya. Natigil din ako sa pag tawa. OO.. nag pasya akong wag na sya tawaging Ping kasi si Miggy si Ping. Baka kasi Magulo pag narinig nyang may iba pang Ping akong tinatawag. "you know what.. I miss this... I miss you" seryoso nyang sabi kaya naman gulat na napatingin ako sa kanya. Seryoso yung mukha nya na naktingin sa akin. "diba?" sabi nya saka sya ngumiti.

"ha?" tanong ko.

 

"tagal na nating di nakakapag usap ng ganito. Binawlan ka ba ng Boyfriend mo?" tanong nya sakin.

Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon