MABILIS na lumipas yung mga araw.. semana santa at ang Christmas party namin. HINDI ako pumunta dahil ayoko sa mga ganun.. Pumunta nalang kami ni Miggy sa Park. Mas Masaya na ko dun kesa sa party nayun.
Ngayon nga eh.. nag sisimbang gabi ako. Nalaman ko kasi sa dalawang to na pag nabuo mo raw ang simbang gabi eh pwede kang mag wish.. kaya eto tyagaan lang.. kahit nakakaantok tiis pa rin. Gusto ko kasi mag wish.
Ilang beses ko ng inayang mag samba si Miggy.. yun nga lang di nya kayang gumising kaya no choice at ako na lang mag isa.
Dec. 24
Last day ng simbang gabi.. At ito na nga ang hinihintay kong araw.. makakahiling na ako.
"lord... wala naman po akong ibang gusto kundi ang maging Masaya lang.. yun lang po" saka na ako lumabas. Pag uwi ko napansin ko na may Sasakyan sa labas. Ang akala ko nga si Miggy kaya agad akong pumasok. Pero...
"anak!!" nagulat ako ng Makita sya.
"ma?" takang tanong ko. Lumapit naman sya sakin saka ako inakap.
"miss mo ko?.. marami na kong utang sayo.. kaya naman eto.. napag usapan naming ng tito mo na.. dito kami mag cecelebrate ng Christmas.. para makasama ka namin" masayang sabi nya.
"ganun po .. ba?" ewan ko ba.. but this time Masaya ako at makakasama ko sya nayong Christmas.. oo galit ako sa kanya pero lahat ng yun nawala.. ganun siguro talaga... pag mahal mo.. mas mabilis mapatawad. "salamat po" saka na rin ako umakap. I really missed her.
Hindi ko man aminin.. Halatang masayang Masaya ako. The whole day busy sila sa pag peprefare ng mga pag kain na ihahain mamaya. Ako asa sala lang at kunwari busy.. pero ang totoo.. pinag mamasdan ko si Mama.. ang tagal kong di sya nakitang ganyan, yung Masaya sya sa kusina. Masaya na alam kong kasama ako sa kasiyahan nayun.
That night Masaya kaming nag salo-salo. Sabay-sabay na nag pasalamat sa mga biyaya. After naman nun binate ko na sila Monica at Cloe. At syempre pati na rin ang BF ko.
Matutulog na sana ako ng tumunog ang phone ko.
"merry xmas Mag.. mhuaa..
Bati nya sa akin. Ang totoo.. gusto ko syang batiin kanina kaya lang nag aalangan ako. E eto naman at binate nya ako. At may halik pa ah... Kaya babatiin ko na rin sya.
Merry xmas din J
Hinintay ko pa sandali kung mag rereply pa sya pero hindi na. Malamang na busy na sya. Kaya nag pasya na akong matulog.
Fast forward tayo...
Dito ka sa bahay mag new year..susunduin kita mmya.
Basa ko ulit sa text nya. Naka pag pack na ako ng gamit ko. Wala naman akong pakielam. At wala rin akong magagawa. Umayaw man ako.. alam ko ipipilit nya.
Natigilan naman ako ng marinig ko ang doorbell. Asa sala lang naman ako.
"nakagayak naba sya?"dinig kong tanong nya kay nanang.
"opo ser.. nag hihintay nap o sa sala" sagot naman sa kanya ni nanang.
"tara na" sabi nya ng bumungad sa akin. Tumayo naman ako at saka ko binitbit yung gamit ko. "ako na" sabi nya saka tinangkang kunin yung bag ko. Pero iniiwas ko to.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)
Roman pour Adolescents"ang buhay puno ng surprises" whether it is good or bad, ang mahalaga. masaya tayong ipinagpapatuloy ang buhay natin. di lang para sa sarili nating kabutihan, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa atin" -Alex