Valentines Day (ang todo kilig day!)

48 3 3
                                    

"Alexa... tanghali na.. di ka ba papasok bata ka?" nagising ako ng pumasok si nanang sa kwarto ko at gisingin ako.

 

"tanghali napo ba?" tanong ko.

"malapit nang mag alas syete" sabi nya kaya napa mulat ako. Saka tumingin sa orasan.

6:32

"oh em!!!" sabi ko saka biglang nag madaling pumasok sa banyo at gumayak..

Bat ba kasi nakakatamad pumasok ngayon!

( 0 – 0 )

Nagulat ako ng pag baba ko sa sasakyan eh maraming nag kalat na mga nag titinda.

"Nov. 1 ba ngayun. Undas na??" tanong ko sa sarili ko. Bat kasi ang daming nag titinda ng bulaklak.

Pag pasok ko naman sa gate HALA!!!!

"Hi Lex!" masayang bati sa akin ni Monica kasama si Cloe.

"Birthday nyo ba?" tanong ko. "bat ang daming naka red?" takang tanong ko ulit

"seryoso?" sabi naman ni Cloe

"sinong may Birhtday?" kunot noo kong sabi.

 

"gaga... amnisya lang ang peg.. Valentines Day kaya ngayun!" sabi ni Monica.

"ha?!" sabi ko saka ko tiningnan kung anung date na nga ba. At pag tingin ko sa phone ko.

FERUARY 14 na nga ngaun.

"bat ang dami nyang sa inio?" takang tanong ko ng Makita kong ang daming laman ng locker nung dalaawa. Samantalang yun akin eh walang laman.

"suplada ka kasi" sabi ni Monica saka ako binelatan.

 

"nag pa randam naba si Miggy?" tanong ni Cloe sakin.

"hindi.. kung nag parandam yun, di sana alam kon feb 14 na ngayon" bakit nga ba ni hindi manlang sya nag paparandam. Nag aya ng pumunta ng room yung dalawa. Nagulat naman ako ng May Makita ako sa desk  ko.

Para kang sampaguita.. simple pero angat sa lahat...

Ping 

"Ang sweet naman" kinikilig na sabi ni Monica.

"chep nga eh.. rose manlang sana!" sabi naman ni Cloe.

Wala akong pake.. thank you Miggy.

Nag sisimula na yung klase naming ng mahinto ang teacher ko ng may delivry boy na kumattok.

"wow.."

 

"ang sweet naman"

 

 

"nakakakilig"

 

"Ang swerte naman"

 

"mayaman"

Bulungan ng mga classmates ko. Kasi may dalang malaking bear yung mama saka isang boquet ng flowers saka maraming chocolates.

 

"excuse me maam.. dito po ba ang room ni Miss Alexa Savinia?" tanong ni manong.

"ahhhhhh!"

 

"AHHHH"

 

Tilian ng lahat.

 

"Lex paki kuha na" sabi sa akin ni Maam na parang kinikilig rin.. seryoso yun?  tumayo naman ako saka kinuha yun kay manong.

"pa pirma nalang maam" sabi nya saka na sya umalis.

Ibat ibang kantiyaw yung natanggap ko. Pero isa lang ang alam ko galing to kay ping dahil nakalagay sa damit ng bear ang salitang Ping.

"nakakangawit ah!" reklamo ko ng palabas na ako. Uwian na kasi.. at di ko madala ng maayos yung binigay ni Ping.

"tulungan na kita jan" sabi ni Andrew.

'ay salamat.." sabi ko saka na nga nya ako tinulungan palabas.

"no problem" sagot nya sa akin saka ngumiti.

"ahhhhh!!!" tili nanaman ng dalawa ng Makita naming si Miggy.. may dala rin syang bear at flowers.

"meron pa!?" gulat na sabi ko habang palapit sa kanya.

"hah?" gulat na sabi nya saka tiningnan yung mga dala ko. "oo naman.. unlimited yan.. para sayo" saka nya kinuha yung binigay nya kanina saka ko kinuha yung bago nyang dala.

"haba ng hair ah?" bulong ni Monica.

"ah.. let us have a date?" tanong nya sakin. Bigla naman nag init yung pisngi ko.

"oo.. oo sure" sagot ko. Binigay na sa akin ni Andrew yung mga hawak nya, napansin ko naman na ang sama ng tinngin nya.. kaya binigyan ko sya ng confuse look, pero nginitian nya lang ako. saka na kami umalis. At napaka saya ng araw kong ito. Nag simula sa simpleng sampaguita hanganag sa naging bongga na bongga.

My first ever valentine's day celebration.. with my someone special..

KILIG!!

Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon