TOK... TOK... TOK
GISING ko kay Basha!
" Bash, bangon ka na dyan tanghali na o, samahan mo ko! " Pang iistorbo ko kay bakla.
" Ano ba Baks, bakiy di sinabi agad kagabi ng hindi ako nagbabad sa cellphone. Pwede bang ikaw nalang inaantok pa ko eh!" Reklamo nya.
" Naman Baks, sandali lang naman tayo! Ililibre pa naman sana kita, sweldo ngayon!" Biro ko ng mabilis sya bumangon.
Hindi nga ako nagkamali.
" Ay saglit ateng babangon na, maliligo lang ako!" Parang walang narinig na mabilis na kilos nya.
" Ayun sabi ko na, kapag may suhol mabilis, eh noh?" Inis kong sabi sa kanya.
" Oo naman, sa panahon ngayon di ba wala ng libre!" Patakbo pa syang labas ng kwarto may dalang towel, papasok bg banyo.
" Gaga ka, tatandaan ko yang sinabi mo ha! Dalian mo na makaalis na tayo." Namaywang ako sa harapan nya dahil sa sinabi nya.
" Opo Inay eto na nga!" Takbo sya sa loob ng kwarto.
" Baks, baka pwede mag ready ka naman ng breakfast natin, lubusin ko na kabaitan mo." Sabay tawa nya habang naliligo." Opo, madame eto na nga dalian mo!" Naggayak ako cup noodles para sa amin.
" Bakla, ano bang mga gamit natin ang wala isipin mo ha, at ng kapag nasa market na tayo hindi tayo tanungan pareho!"
" Eh, halos naman wala na eh, simot na nga cabinet ng grocery natin kahit tingnan mo pa! Daan pala tayo saglit sa parlor kukunin ko yun hiram ni Chona." Paalam nya sa'kin.
" Basha, masado yata pinagkaka tiwalaan baklang Chona na yan?" Usisa ko sa aking kaibigan.
" Baks, may spot ako sa parlor okey naman sya kaya no worries." Pag aassure nya sa'kin.
"Sige lang ah, ayaw ko lang dumating isang araw-araw ngawngaw ka dyan dahil sa pangdurugas ng baklang yun! " Paninigurado ko.
"Baks, ako na nagsasabi sayo okey sya!" Ulit nya.
" Oo na sige, bilisan mo na nga dyan. Bibihis na ko at ng makatapos tayo kumain alis na tayo, baka malate ako eh! " Pag- aapura ko.
" Ay anak ka ng bakla ka, panay apura mo sa'kin ikaw di ka pa pala nakabihis! " inis na sagot ni Basha.
" Alam mo naman ako maggayak tapos na ko maligo, papalit lang ako ng damit.!
" Oo nga sabi ko mabilis ka ako makupad! " Sabay buhos nya ng mabilis.
" May tira pa tayo tinapay pagtyagaan na natin 'to keysa sa wala. Dalian mo na alas nuebe na baka mapalo na ko chief nito!" Apura ko ulit sa kanya.
"Tapos na nga ,eh di ba!" Sabay labas ng banyo diretso takbo sa kabilang kwarto.
" Wag ka na mag make-up, maganda ka na! " Puri ko kunwari sa kanya.
" Buti naman napansin mo!" Halos abot tainga ang ngiti ng babaeng may bigote!
" Syempre joke lang yun! " Tawa ko bawi sa sinabi ko.
" Gagang 'to binawi pa tsttseee... .kapag di mo lang ako nilibre, sasabunutan ko talaga yang baba mo!" At inambaan ako ng sumtok.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Lang (THE UNDERCOVER wattpad edition)
RomantikWalang matigas na tinapay sa mainit na kape.