Coreen's POV
"Kuya, wala ka bang review ngayon? Akala ko ba nag-rereview ka?" nagtatakang tanong ko kay Kuya Cole. Eh andito kasi siya sa bahay. At kasalukuyang nagluluto na naman. Ewan ko nga kung bakit hindi na lang Culinary Arts ang kinuhang kurso. Eh magaling naman siya magluto. Plus, minsan may garnishings pa ang niluluto for dinner. Eh kaming dalawa lang naman ang nandito. Si Kuya Clyde may duty naman yun sa Call Center.
"I'd rather take care of my baby sister. Hindi naman ako makakapag-concentrate dun, knowing you're home alone, well, technically not, dahil yung isa mong Kuya, andito nga, tulog naman." biro pa ni Kuya Cole habang nagbabalat ng sibuyas.
"Tutulungan na lang kita, Kuya." suhestiyon ko naman saka lumapit sa tabi niya at kinuha yung peeler para mabalatan ko narin yung patatas. Magluluto daw kasi siya ng Pochero for lunch. 10:24 na nga pala.
Kinuha ko yung patatas at inumpisahang balatan. Pero ang ikinagulat ko ay nang mabitawan ko ang patatas. Nahawakan ko naman siya nang mabuti pero bakit nabitawan ko?
Akmang dadamputin ko na ang patatas pero pinigilan ako ni Kuya Cole.
"Baby Girl, huwag ka nang tumulong. Mahina ka pa. Makabubuting magpahinga ka na lang muna." sabi ni Kuya Cole.
"But I wanna help." sabi ko pa sabay pout.
Gusto ko kasi talagang tumulong. Alam ko kasing dadating si Khaleb ko. Kahit sampid lang ako sa pagluluto ni Kuya Cole, at least may naitulong ako sa kaniya. At magiging proud sakin si Khaleb dahil magiging ideal wife na ako sa kaniya. Minsan nga magpapaturo ako kay Kuya Cole ng ibang putahe. In preparation para sa future namin ni Khaleb ko.
Yieee! Kinikilig akong maisip na magkasama kami ni Khaleb ko sa iisang bahay. Gigising siya na nakahanda na ang almusal niya. Tapos before heading off to work, hahalikan muna niya ako. Tapos ihahatid ko siya sa sasakyan niya. Tapos.. Tapos sa gabi.. Uwaaaaah! Ayoko sabihin! Hahahaha.
"Oy! Coreen Yzabelle Valentino! Nag-da-daydream ka na naman ng future niyo ni Khaleb!" asik ni Kuya Cole. Kilala na niya ako niyan. Basta ba nakatingala ako habang naka-tilt ang ulo at walang naririnig, nag-da-daydream ako niyan. Minsan binabatukan niya ako niyan. Especially kapag nasa hapag kami tapos biglang parang lutang ako. Hahaha. Para kasing nag-a-astral project ako. Wahahaha. Napupunta sa ibang dimension.
"Eh Kuya. Masama bang isipin yung future ko kasama siya? Masama bang fixated na ako sa thought na makakasama ko siya hanggang tumanda kami at mamatay?" sabi ko pa habang pino-point ang hintuturo ko sa isa ko pang hintuturo.
"Hindi naman masama yung ganun, Baby Girl. It's normal, especially for a girl to think of her future together with the one she loves. Girls do that a lot. But some ended up shattered just thinking too much about that." pagpapaliwanag naman ni Kuya Cole.
"Ehh? Bakit naman po?" napatingin ako sa kaniya. Interesadong interesado ako sa topic na 'to. Parang nagiging Love Guru kasi si Kuya Cole basta about dito.
"Masyado silang na-ho-hook sa thought na yun, up to the extent that they forgot reality. Reality that speaks of conflicts and trials that tests both of them. Masyado nilang iniisip yung thought na yun, even trying to make it real ahead of the right time. Hanggang sa nakakalimutan na nilang magpakatotoo sa relasyon nila. And some ended up, losing rather than gaining." mahabang sabi ni Kuya Cole.
"Ganun ba yun? Ehh Kuya. Wala na kasi akong ibang makitang makakasama ko sa future kundi si Khaleb. Mahal na mahal ko siya kuya. Na kahit bata pa ako, alam kong totoo itong nararamdaman ko. Wala na akong ibang--" naputol ang sasabihin ko nang hindi nakatingin si Kuya sakin. Kundi sa may bandang likuran ko. He even smirked.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Dated My Boyfriend [ON-HOLD]
Teen FictionShe's an ordinary girl who has an Arrogant Elite as a boyfriend. And a bestfriend who likes her boyfriend. How will she cope up with situations regarding popularity and money? How will she fight for the one she love? How will she be able to make the...