Mission 1
Dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko, napilitan akong pagtiyagaang pakisamahan ang limang Ferell sa isang bubong.
Kasalukuyan akong nakikitira sa mansion ng mayayabang na Shokoy na ito. Bakit Shokoy ang tawag ko sa kanila? Dahil sa tuwing nakikita ko silang limang kumpol kumpol na magkakasama, hindi ko maintindihan kung bakit ang salitang 'Shokoy' agad ang pumasok sa isipan ko. Bakit sa tuwing nakikita ko silang lima salitang 'lamang dagat' ang naiisip ko?
Minsan naitatanong ko na lang sa aking sarili kung saang dagat o ilog nanggaling ang limang ito. Siguro sadyang dito na talaga ako ipinadala ng tadhana para magabayan ko ng maayos ang pamumuhay ng limang Shokoy na ito sa pamumuhay nila sa lupa. Damn. Ipinilig ko ang ulo ko sa walang kwentang naiisip ko, ganito ba ang epekto ng pagtira kasama ang mga Shokoy na 'yan? Shit. Bakit nagiging corny na ang utak ko?
Ako si Florence Celestina Almero ang dyosa ng kwentong ito, ang babaeng naglayas at napadpad sa kaharian ng mga Shokoy. Damn.
Hindi ko maiwasang mapangiwi sa naiisip ko, napapahanga na talaga ako sa sarili ko. Akalain ko 'yon? Nakatagal na ako ng isang buwan kasama ang mga lamang dagat na 'yon?
Kung may bida malamang hindi mawawalan ng mga extra. At tama ang limang Ferell na 'yon ang mga extra sa istoryang ito. I will quickly introduce them. I don't have any plan to describe them detail for detail. Like duh? Hindi ako siyentipiko na magaling kumilatis ng mga hindi pangkaraniwang nilalang. Lalo na kung tungkol na rin sa mga Shokoy.
Okay, here they are..
Ang mga Shokoy na umahon sa kung saang dagat. Unfortunately they are five.
Sean Owen Ferell, ang lalaking naghahanap ng almusal. Ang pinakamatakaw sa kanilang lima.
He's a moreno type of guy or should I say na malapit na rin sa maputi? Ewan. Maybe in between moreno and fair. He has this eye-catching deep dimples na talagang lilitaw kahit sa simpleng pagsasalita lang niya. Well I can say that these dimples are his best asset, talagang nakakapanloko ng babae.
When it comes to his body built, wala na akong masasabi dahil sa mga nakikita ko sa mga babaeng nanunuod sa kanya tuwing may swimming competition siya halos hindi na sila humihinga. Yes, magaling siyang manlalangoy kaya hindi na nakapagtataka ang magandang pangangatawan niya.
Buti sana kung swimming pool lang ang nilalangoy niya? I'm sure mas double ang galing niya kapag babae ang nilalangoy niya. What should I expect? Shokoys are good swimmers whether on pool or on girls.
Aldus Raphael Ferell, ang lalaking hindi makita ang uniform. Hindi ko alam kung bakit hindi uso sa kanya ang salitang cabinet or closet?
Sa kanilang lima, siya ang may pinakamaamo at inosenteng mukha. Kung pagmamasdan akala mo ay hindi makasalanang tao, kulang na lang sabitan ng kwintas na krus at bibliya para sabihing kandidato sa pagiging pari.
But don't judge the book by its cover. Kung bibliya sana ang binabasa niya baka magpamisa pa ako araw araw, ito lang naman ang mga nakikita kong article na madalas niyang binabasa 'how to avoid unwanted pregnancy' 'Iwas pikot' 'Hit and run' 'Most trusted condom' at kung ano ano pang magazine na punong puno ng mga babaeng walang saplot. Nasaang parte ang inosente sa Shokoy na ito? Sigurado akong kahit painumin ko siya ng isang pitsel na holy water hindi na malilinis ang dumi ng utak nito.
BINABASA MO ANG
Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)
Roman d'amourFormer title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secrets. Book 1 of Arms Trilogy Covers are not mine, credits to rightful owner.