Heartprints - Chapter 2 Part 1

47 1 0
                                    

Chapter 2 Part 1 - Enchanted

"Bye." Matipid nitong sabi. Napakadramang umaga naman ito. Akala mo naman mamamatay na. Pero yung mukha niya, mukhang nalugi talaga. Hindi ko nga alam kung ano ba ang magiging reasyon ko sa kilos nito eh, matatawa o maiinis.

" Sige, BYE. Ingat ka na lang sa pupuntahan mo. Matutulog pa ko." Yawn. Puyat ako. Ang aga pa nitong mambulabog. 7am palang. Mabuti na lang sanay na sila sa maagang bisita.

"Bye." Paulit-ulit. Ang lakas nang habling nang lalaking ito. Kung titignan kanina pa siya nangingilid ang mga luha sa kanyang mata. Theater Actor kasi siya before sa School namin. Kaya magaling umarte.

"Sipain kaya kita? Hintayin mo ko dyan. Maliligo lang ako." Alam ko naman mag-aaya siyang lumabas at magliwaliw kasi bukas na ang alis niya. Saan siya pupunta? Dun sa School niya sa bataan. MArine chu chu ata yung kurso niya. Ah basta!Simula nung bata pa kami, pangarap na niya yun.

" Bilisan mo ah." Tumakbo na ko sa kwarto sa taas at naligo. Buti nalang at tulog pa si Sophie kundi sasama yun. Gala yung babaeng yun kesa sakin. Hindi naman nagtagal at natapos din ako at nagbihis na. Kinuha ko yung jeans na nasa Cabinet at yung Shirt na bagong bili ni Mommy nung umalis sila ni Daddy last time tapos Doll Shoes lang. Yan lang naman lagi kong suot. 

Pagbaba ko nakaupo siya sa may sofa. Pinagpaalam na daw niya ako kila Mommy at kung hanggang what time kami uuwi. 

" Tara na." Sabay sukbit ko sa katawan ko yung sachet na pink, na ang laman ay mirror, cellphone,ballpen at money. May pera pa naman akong ipon kaya hindi na ko humingi kay Daddy. 

" Saan mo gusto pumunta?" Hala. Akala ko naman alam na niya kung saan kami gagala. Pagiisipin pa ko.

" Saan nga ba?" Sagot ko sa kanya.

" Haha. Joke lang. MOA tayo pupunta. Sakay na." Sa kotse niya kami sasakay? Hala?

" Sure ka? Bakit hindi na lang yung Driver niyo?" Choossssy ba? Hindi. Ayoko lang na siya ang magdadirve kasi mamamatay ako sa kaba. Last time nung nag-aaral siya magdrive, kamuntik na kami mabanga, buti nalang may instructor kaming kasama.

"Opo. Hindi na kailangan ng Driver. Kaya ko na po. Marunong na ko. Huwag ka nga. Sakay na." Pilit niya. Hays. Godbless nalang sa byahe namin dalawa. Pero mukha naman Okey na siya mag Drive.

Hindi pa kami nakakalayo, nabore na ko. Binuksan ko yung Radio. Medyo tahimik kasi, hindi ko siya dinadaldal para makapag-concentrate siya sa daan. Malayo pa naman ang byahe, siguro 2 hours pa. eh 8:30am na kami nakaalis sa bahay.

Station 1 ..  Lumang kanta kaya nilipat ko sa Station 2 naman Rock kaya nilipat ko sa Station 3.

You're eyes whispered 'have we met?'

Crossed the room, your sillohuette

Starts to make its way to me

The playful conversation starts

Counter all your quick remarks

Like passing notes in secrecy

And it was enchanting to meet you

All I can say was I was enchanted to meet you

"Sayang hindi natin naumpisahan yung Enchanted." Sabi ko. Maganda kasi ang mga kanta ni Taylor Swift. Meaningful kaso sabi ni Prof English namin. Maganda nga yung pagkakanta pero yung pronunciations daw sa mga words mali. 

HeartprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon