Kathang-Isip

30 0 0
                                    

Ako'y lubos na nasaktan

At puso'y nagdadalamhati

Sa pagwawalang bahala mo lamang

Sa puso kong lubog sa nararamdaman

Para sayong wala namang pakealam


Bakit ng ba ako sayo ay napatingin pa?

Kung sa pagtingin ko sayo ay

Wala rin naman akong makukuha

Bakit nga ba ako umaasa pa?

Kung sinabi ko sa isip ko na" tama na"


Sadyang hindi patas ang mundo

Hindi maibigay ang gusto ko

Talaga bang tadhana'y ganito?

Nais ko lang lumigaya sa piling mo

Pero ikaw iba naman ang nais mo


Ikaw nga ba itong nagbibigay ng motibo?

O ako lang 'tong nagbibigay ng

pag-asa sa sarili ko

O kathang isip lamang ito na gawa ng

puso ko?


Mahirap bang pagbigyan?

Ang pusong kong umaasa at

Naghihintay sa iyong pakealam

At sana ika'y makaramdam

Sa pag-ibig na aking ipinalam


Ang daming tanong na lumilitaw

Ang daming kanchaw na sinisigaw

Ang daming kayo na nagiging ikaw

At ang daming

Humahawak na bumibitaw


Ano ang silbi ng akong "tama na"

Kung sa isang sulyap ko lang sayo

"Baka naman pwede pa"

Para saan ang pa ang aking "tigil na"

Kung puso ko pangalan mo ay "isisigaw pa"


Titigil lang siguro ako

Kung sa akin ay iyong ipapamukha

Na ang "gusto mo rin ako"

Ay isa lang katha

Kung ang isang tula ng pag-asa ay nawala


Pag ang mga mata ay may

pumatak ng luha

Pag ang bilis ng tibok ng puso ay nawala

At ang iyong kamay ay tuluyan ng kumawala

Kahit hindi ka naman humawak ng talaga


Dahil siguro nga yung

Pag-asa ko'y isa lang katha

Para gisingin sa isang pantasya

Ang aking mga mata

Para sa susunod

Hindi na ako muling aasa sa wala

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Likha Mula Sa Sariling PlumaWhere stories live. Discover now