Yelrish's Pov
Kasalakuyan kaming nagba byahe papunta sa orphanage. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Nilingon ko si Manong Tony na nag mamaneho.
"Manong, anong oras nyo po ba madadala yung kotse ko sa shop?"
"Pagbalik ko iha, idadaan ko agad sa shop"
Kanina kasi hindi mag start yung kotse ko kaya hiniram ko nalang muna yung kay mommy at nagpahatid kay Manong.
"Sige po. Pagkahatid nyo po sakin sa orphanage, umuwi nalang po muna kayo. Tapos after pong maayos ng kotse ko pakidala nalang rin po sa orphanage". Tumango naman si Manong.
After ilang minutes nakarating na kami sa orphanage. Agad naman akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang mga dala kung prutas. Sinalubong din ako nang mga katiwala.
"Asan po ang mga bata?". Ang tahimik kasi masyado samantalang dati pagkarating ko palang magtatakbuhan na agad sila.
"Nag-aalmusal pa po eh. Dinalhan kasi sila ng bacon at fresh milk ng kaibigan nyo" sabi ni Mrs.Viola kasabay nun ang pagpihit nya ng pinto sa dinning area.
"Sinong kaibigan po?" Kasabay nun ay ang tuluyang pagbukas ng pinto.
"Si Mr. Fondavilla po"
"Ate Irish" sigaw ng mga bata nung makita nila ako. Agad din silang lumapit at humalik sa pisngi ko.
"Good morning" Nakangiting bati ko sa kanila.
"May dala akong fruits para sa inyo pero finish your breakfast first" agad naman silang bumalik sa kinauupuan nila at kumain.
"Nasaan po si Mrs. Conde?" Tanong ko. Sya ang tagapangalaga nitong orphanage na ito.
"Ah. Pumunta po sa opisina" .
Tumalikod ako at balak ko sanang maglakad lakad ng tumambad sakin ang mukha ni Tukmol hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sakin.
"Hi" Nakangiting bati nito sakin.
"What are you doing here?" Tanong ko nang may pilit na ngiti sa mga labi. Syempre kung susungitan ko sya baka kung anong isipin ng mga bata.
"Nabanggit kasi sakin ni eliza na every morning dumadalaw ka dito".
Tumaas ang kilay ko aa sinabi nya. So nagre-research na pala si tukmol sa mga daily activities ko. Sa inis ko tinalikuran ko ito ng walang pasabi.
"Hey! Did I say something wrong?" Sabi nya sabay hawak sa balikat ko. Tinignan ko naman yung kamay nyang nakahawak sa balikat ko.
"Ow, sorry" sabay bitaw nya
Nagdiretso ako sa paglalakad habang sya naman ay sumusunod sakin nang makalayo na kami sa mga bata. Tsaka ko sya hinarap.
"So, hindi pala ang mga bata ang pinunta mo dito?" Tanong ko nang nakataas ang kilay
"What? No, syempre ang mga bata ang dahilan ng pagpunta ko dito"
Tinaasan ko sya ng kilay para sabihing hindi ako naniniwala sa kanya.
"Okey fine. I came here to see you pero gusto ko ring dalawin ang mga bata dito"
I smile yung plastic " Wag mong gawing dahilan ang mga bata. Kung inaakala mong makukuha mo ang loob ko sa paglapit mo sa kanina, well you're wrong. Ibang klase karin, ano? Hindi mo ba iniisip kung anong mararamdaman ng mga bata pag nalaman nilang ginagawa mo lang silang excuse para sa tunay mong pakay".
Matagal kaming nagkatitigan ni Ridge
Pero sya ang unang umiwas ng tingin."Totoo ang sinasabi ko gusto ko silang dalawin. Kahit noon pang nasa America ako, pumunta ako lagi sa ganitong institution. Hindi muna kailangang sabihin sakin kung ano ang mararamdaman nila kapag nalaman nila amg ginawa ko, dahil alam ko ang pakiramdam ng mga batang nasa ganitong ampunan"
Kumunot bigla ang noo ko
"Tumira ka sa ampunan?" Hindi makapaniwalang tanong ko
"Almost one year din akong tumira sa ampunan noong mamatay si mommy. Akala ko nga forever na ako doon pero binalikan ako doon ni daddy at kinuha nya ako".
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko iniexpect na ganoon ang past nya.
"Pinaghiwalay kasi sila ng parents ni mommy. Hindi alam ni daddy na buntis si mommy that time. Patay na si mommy nung malaman nya yung about sakin. Bumalik sya dito sa pilipinas para hanapin ako at sa isang ampunan nya nga ako nakita. Hindi kasi ako inalagaan ng grandparents ko. Itinakwil nila si mama nang malaman nilang buntis ito," pagpapatuloy ni Ridge.
Hindi agad ako nakapagsalita naguilty ako doon sa mga sinabi ko.
"I'm sorry, hindi ko naman kasi alam"
"It's okey."
Magsasalita pa sana ako nang biglang lumaput si Mrs. Conde.
"Dumating kana pala iha. Nasa opisina kasi ako kanina. Kinausap ko yong magki- cater next saturday. Naiayos na ang lahat para sa activities natin.
"Sige po. Itawag nyo nalang po sakin kung ilan ang magagastos para po makarealease ako ng check. Hindi narin po kasi ako magtatagal Mrs. Conde. I need to go na po kasi. I have something to do pa po."
"Sige iha" .
Wala pa yung kotse ko kaya i decide na i text si manong at sa laguna ko nalang ipadiretso ang kotse ko.
"Ahm Mrs. Conde pwede po bang magpahatid sa Supermarket kay Mang Canor?"
"Sakin kanalang sumabay." Biglang sabi ni Ridge. Tinignan ko naman sya
"Pauwi narin naman ako so idadaan nalang kita doon."
"Okey. Salamat" pumayag nalang rin ako
Tinignan ko naman si Mrs. Conde.
"Aalis napo kami" pagpapaalam ko
"Mag-iingat kayo, Mr. Fondavilla, next saturday eh may gaganaping sport fest ang mga bata. Baka gusto mong pumunta?" Biglang sabi ni Mrs. Conde
"I'll be there, thank you for your invitation"
Walang imikan kaming dalawa ni Ridge hanggang makarating sa Supermarket.
"Thankyou" baba na sana ako ng pigilan ako ni Ridge
"Kung ayaw mong pumunta ako sa sport fest--"
Tinignan ko sya.
"Pumunta ka kung gusto mo. Pwedeng pumunta doon ang kahit sinong may concern sa mga bata"
"Baka kas--"
"I'm sorry sa mga nasabi ko kanina"
Tinignan nya ako.
"I will accept your apology if you'll promise na hindi mo na ako susungitan"
Lumabas ako ng kotse "I'll try to be nice" sabi ko bago tuluyang sinara ang pinto.
---------
Author's NoteI'm sorry sa short update guys, Hope you'll understand.
Vote and comment💜

YOU ARE READING
An Unexpected Love [ On Going ]
Genç KurguYELRISH Yelrish is a kind of girl na sobrang busy and she had no time for love her attention is always in her studies and some activities. But one time she didn't expect na mafafall sya sa isang guy na walang ibang ginawa kundi kulitin sya ng kul...