Mga apat na subjects ang natapos namin ngayong araw bago kami iniwan ng guro namin para magtanghalian.
Patingin tingin muna ako sa mga kaklase kong nagsisilabasan na sa pintuan habang ako nananatiling nakaupo pa din dito sa upuan ko.
Eh? Paano hindi ko alam banda kung saan ba yung canteen dito! Hello napakalaki at napakalawak ng skwelahang ito at nasa pangatlong palapag pa ako ng building!!
"Hayss mabuti nalang hindi ako napansin ni trish kanina kundi yari ako! "
"Kelan kaba kasi ti-tino ece ha? "
"Ano bang pinagsasabi mo jan elia? Matino ako nu! "
Napalingon ako sa dalawang nag uusap sa may bandang likod ko at tumambad sakin yung dalawang babae kanina.
"Magpakatino kana magseryoso ka naman kasi gagong to! "-saad nong morenang babae.
Magsasalita pa sana yung isa ng mapatingin siya sa direksyon ko!
Tumayo ito sabay sabing. " Hey miss beautiful "-nakangiting saad nito habang papalapit sa akin!
Bakit ganito tong babaeng ito? Parang hindi mo siya mapagkakatiwalaan hindi sa muka niya kundi sa ugali niya!
"I'm ece by the way and you are? "-saad nito ng makarating na sa harapan ko sabay lahad ng kanyang kanang kamay upang makipag shake hands.
" Ako si maricel "-sabay tanggap ko sakanyang palad.
Napakalambot ng kamay nito at makinis wala itong ka kalyo-kalyo man lang! Iba talaga kapag anak mayaman!
" Maricel? What a beautiful name like you"
"Tss let's go"
Napalingon ako uli sa isang nagsalita na naka bitbit ng isang maliit na libro at nakasaklay ang isang strip ng kanyang bag sa kanyang balikat.
"Kahit kelan napaka kj mo talaga ej bagay talaga sayo yung pangalan mo hahahaha"-tumatawang sambit ni ece.
"Maricel we gotta go now. See you later again"-paalam ni ece sakin sabay kindat nanaman.
" Pagpa sensyahan mo na yung kaibigan ko sadyang baliw lang talaga yun wag mong pansinin. By the way i'm elia "-nakangiting saad nito.
"Nagagalak akong makilala ka"-nakagiti ring sabi ko sakanya.
Napakunot ang noo nito sabay sabing. " Wow, laking probinsya ka hindi ba?"-tanong nito.
"O-oo"
"Really? I can't believe na meron akong magiging kaklase na laking probinsya how nice! "-manghang sambit nito sabay yakap sakin!
Hindi ko maintindihan ang mga babae dito! Bakit parang kakaiba sila!
" Elia what are you doing there let's go!"
Liningon ko yung pintuan kung sino yung nagsalita ngunit wala akong nakita kahit anino ng isang tao. Napakalakas naman ng boses nito ngunit alam ko kung kaninong boses ito walang iba kundi si Ece..
Napabuntong hininga si elia sabay sabing."Panira din nang moment ang gago"-napailing iling ito.
Akmang lalakad na ito ng hablotin ko ang kanyang braso. Nakakunot ang noo nitong lumingon sakin.
"Pwede ba akong makisabay sa inyo?? "-tanong ko sakanya.
Nagtataka ang mukha nito na natatawang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Girl Academy (GXG)
HumorGIRL ACADEMY KUNG SAAN TANGING MGA KABABAIHAN LAMANG ANG NAG AARAL DITO. NO BOY'S ALLOWED OR WELCOME HERE!🚫 Started: October 18,2018 Finished:?