It just Happened

7 0 0
                                    

Ang love parang upper part ng upper unpredictable situation. Minsan nakahilata na siya sa harapan mo, hindi mo lang pansin.

It just happened!!

Okay let's start this story;

May isang ordinayo at simpleng babaeng nag ngangalang Lorin Navante. Nag-aaral siya sa isang prestihiyosong paaralan sa bansa. Simula 1st year high, parati niya nang kasama ang kaibigan niyang si Astra. Palagi niya itong kasama sa kadahilanang nagpapagawa ito ng mga assignments and projects sa kanya.

Isang Astra Kate Trono, kaibigang matalik ni Lorin. Sosyal at palaging nasa uso. Palibhasa isa siyang MODEL. Di masyadong nakikipag-usap sa ibang tao maliban kay Lorin. Minsan mabait, minsan suplada, depende na yun kung anong pumasok sa utak niya. Basta magulo siya. Nakausap ko na siya dati eh.

Lorin's POV

Shun Wu, bakit ba ang gwapo niya? Bakit ba baliw ako sa kanya? Bakit palagi siyang nasa isip ko? Bakit palagi ko siyang hinahanap? Bakit ba andami kong tanong?

Kahit naman ano pang itanong ko wala namang silbi. Wala naman sasagot eh.

Andito ako ngayon sa loob ng canteen nag-iisa sa isang table. Wala kasi si Kate. Oo, Kate yung tawag ko sa kanya para maiba naman. Pag Astra kasi parang Kontra-bida yung peg. Teka, balik tayo dito sa canteen. Umalis si Kate pupunta daw sa photo shoot event nila. Well, ako naman dito nagsosolo flight. Kumakain ng chocolate, bigay ng secret admirer ko daw? Baka mali lang yung locker na nilagyan niya. Hay, mga tao talaga oh.

Natawa na lang ako sa iniisip ko. Saka kumagat ulit yung chocolate. Pero, ang swerte ko ah. Masarap talaga ang chocolate na 'to.

May kasama pa nga itong sulat;

----------------------------------------------------------

Dear Lorin,

Happy Birthday!

Ang ganda mo talaga, magkita naman tayo. Sa Park sa Friday 5pm, gagamit ako ng Blue na t-shirt. Dapat ikaw mag dress. See ya!

-Kris

----------------------------------------------------------

Sino kaya tong Kris na to?

Ayt! Nambola pa! Nahiya naman ako.

Patapos ko na sanang kainin yung chocolate nang pumasok sa loob ng canteen si SHUN!! Ang gwapo niya talaga!! Parang gusto ko tuloy tumalon na sumigaw na maglumpasay na tumakbo na yumakap sa kanya na basta!! Parang hinalukay yung lamang loob ko, na parang nakasakay ako sa roller coaster. Ang sarap sa pakiramdam. Kinikilig ako!!

Habang titig na titig ako sa kanya. Bigla siyang lumingon banda sa'kin saka ngumiti. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ko at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

May dinukot siya sa loob ng bulsa niya. Nakatitig parin ako sa kanya. Nagising nalang ang diwa ko nang punasan niya ng panyo ang pisngi ko , sabay sabing; "ang kalat mo kumain Lorin"

Ha? Si crush pinunasan ako? Ba't parang nahihilo Ako? Sama ng pakiramdam ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It just HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon