SA ISANG IGLAP© PROLOGUE
Ito ay isang hango sa isang malikhaing isip ng writer. Wala itong kinalaman sa buhay ng isang tao. Kung sa tingin nyo ay may pagkakahawig hindi po intensyon,nagkataon lamang. Salamat sa espasyong inilaan nyo para sa akin at sana magustuhan nyo ang istorya.
Enrique James Millares, EJ for short, 22, isang registered nurse.5’7 ang height, maputi, Matangos ang ilong, Semi Kalbo ang style ng buhok,maganda ang katawan pang modelo at pwedeng isali sa artista search. Pero mas piniling magnurse dahil sa parehong nasa field of medicine yung buong pamilya.
Isang taon ng naghahanap ng mapapasukang hospital. Lahat na yatang hospital sa Metro Manila naapplayan nya kaso wala pa talagang bakante. Hindi naman siya bobo at hindi rin naman siya ganoon katalino at isa pa galing siya sa isa sa mga sikat na nursing school sa bansa. One take lang sa board exam. Mataas naman ang Board Rating. Maprinsipyong tao. Ayaw patulong sa mga magulang kahit na doctor yung tatay at medtech yung nanay. Ang katwiran nya: “Tapos na po yung responsibilidad nyo bilang magulang ko. Since tapos na ako,ako naman ang tatayo sa sariling kong paa”.
Napakataas ng pride nitong tao at ayaw talagang magpatulong kahit kanino. Kahit pa nung nag-aaral siya gusto nya matuto sa sariling paraan. Pag gumagawa ng thesis gustong may naka-assign sa kanya seperately. Kasi mas gusto nyang mag-isa at natatapos naman nya. Ayaw niya ng collaboration. Kahit nung nagduduty sila sa St. Lukes Hospital sa Quezon City wala siyang laging partner dahil nirequest nya yun sa Clinical Instuctor nila. Pumayag naman dahil magaling naman siya at talaga dedicated sa trabahong nakaassign. Minsan nga sinasama ng mga kaklase na gumimik hindi talaga mapilit kaya sa sobrang inis at asar ng mga kaklase hindi na nila niyayaya. Ang katwiran nya: “Wala akong sa mood maglakwatsa kailangan kong galingan kasi papatunayan ko na mas magaling ako sa kapatid ko. Kayo na lang at salamat sa paanyaya”. Yan ang laging bukambibig nya kapag niyayaya syang lumabas kaya ayun nabadtrip yung mga kaklase nya at kagrupo. Never na siyang niyaya ng mga ito.
Tatlong tao lang ang talaga nakakaunawa sa kanya. Yan ay sina: Jericho Miguel Bravante,Bestfriend or JM for short,5’7 ang taas,kayumanggi ang kulay,magandang katawan,artistahin din. Ang kanyang girlfriend for 4 years na si Natasha Nicole San Inez, 5’6 ang taas maputi,maganda mahaba ang buhok, matangos at seksi pwede rin mag-artista at ang bestfriend ni Natasha na si Aimee Jane Dela Torre or AJ for short,4’9 ang taas maliit pero cute,kikay,maigsi ang buhok. Maraming nagkakacrush sa kanya lalo na yung bestfriend ni EJ. Pare-pareho sila ng edad at mga registered nurses din. Pare parehong galing sa isang school.
Iikot ang buhay ni Enrique James or EJ for short sa kanilang apat at sa isang taong sa isang iglap lang nya nakilala na si Don Michael Alvira or DM for short,22, Registered nurse rin.6’1 ang taas, maputi,atlethic ang katawan, varsity player ng basketball nung high school hindi natuloy na maging varsity nung college kasi hectic ang schedule ng nursing at campus crush. Nag-aral sa isa rin sa mga sikat na nursing school.Happy go lucky guy,flirt at wala pang tumatagal na karelasyong babae ng bababa sa 10 days.Siguro kulang pa yung mga daliri sa kamay at paa kung bibilangin natin yung mga nakarelasyon nya.Kung ano ang gusto nya ipipilit nya.
SA ISANG IGLAP© CHAPTER 1 (Unang Sulyap)
*Alarm 8:00 am*
Si EJ nagising sa alarm clock niya.Pinatay niya ang alarm clock pagkatapos marinig ang tunog. Pero hindi pa rin nagigising si EJ. Nakatulog ulit ng isang oras.
*
Dirty bit!
Dirty bit!
I came up in here to rock
Light a fire, make it hot
I don't wanna take no pictures
I just wanna take some shots!
![](https://img.wattpad.com/cover/1890879-288-k911be6.jpg)