CHAPTER 32

2K 60 12
                                    

KAAGAD NA GUMUHIT ang inis sa mukha ni Maine dahil nagising lang naman siya sa tunog ng doorbell. Nagtalukbong siya ng kumot at hindi pinansin kung sino man ang nasa labas pero hindi tumigil ang ingay.

Pungas pungas siyang bumangon sa kama saka tumingin sa orasan.

It's 10 o'clock in the evening. Napatingin siya sa kanyang sarili, napatawa na lamang siya. Suot suot pa rin niya kasi ang damit niya kanina ng lumabas siya ng bahay. Sobrang antok na antok siya kanina pagkapasok niya ng masters bedroom kaya naman hindi man lang siya nakapagpalit ng damit.

Mabilis ngunit maingat siyang lumabas ng kuwarto ng marinig muli ang tunog ng door bell.

Masama ang timpla ng kanyang mukha habang naglalakad patungo sa pintuan ng kanilang bahay.

Ang inis na kanyang nararamdaman ay napalitan ng gulat ng mapagbuksan ang nasa labas ng pinto.

"Thank God you opened the door!" Mabilis itong lumapit sa kanya saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. "Listen to me Maine, they're coming for you! You have to get out of here!" Mabilis nitong saad na siyang kanyang ikinalito.

She met the woman's eyes. "Anong ibig mong sabihin Annica?" Deretsahan niyang saad.

Yes, it's Annica. Heaven's ex. Matagal na nung makilala niya ito at halos hindi niya ito makilala dahil sa ayos nito pero sigurado si Maine na si Annica ang kaharap na babae. Magulo ang buhok nito, nangingitim ang ilalim ng mata ni Annica at wala itong ni make up na suot. Ang layo sa Annica na nakilala niya nung party nila ni Heaven.

"Huwag ka nang maraming tanong. You have to get out of here! I'll help you find a safe place. My step siblings are crazy!!! Papatayin ka nila!!!" Nagpapanic na saad ni Annica at humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

Hindi nagsisink in sa isip ni Maine ang pinagsasabi ni Annica. Nakatingin lang siya rito na parang tinubuan ito ng isa pang ulo. Why would she help her? Hindi ba dapat ang kmga kapatid nito ang tinutulungan at hindi siya.

Inihilamos ni Annica ang palad sa mukha nito. "Please... Maine.. Believe me. Kailangan mo nang umalis dito----"

"Ohhh. What a sweet timing." Ani ng isang tinig.

Naramdaman niyang nanigas si Annica sa kinatatayuan. Nalalamig din ang kamay nitong nakahawak sa kanya at namumutla ang mukha. Kahit siya man ay natigilan, the voice is familiar. San na nga ba niya ito narinig?

Dahan dahan pumihit paharap si Annica sa nagsalita. Dahil magkasingtangkad lang sila ni Annica ay natatakpan siya nito kaya naman hindi niya makita kung sino ang nasa pinto.

Humakbang siya pakaliwa para makita kung sino tmyung nagsalita.

Halos manlamig ang kanyang katawan habang nakatingin sa babae na may hawak ng baril at nakatutok ang dulo nito kay Annica na nanginginig na sa takot.

"I-ikaw.... ikaw yung... y-yung---"

"Hi there Maine..." nakangising baling nito sa kanya at sa kanya naman itinutok ng babae ang baril na hawak. "...nice to see you again." There's hint of craziness in her eyes.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa babae. It's Annica's sister. Kung hindi siya nagkakamali Eurika Verlyn ang pangalan nito.

Humakbang ito papasok dahilan para pareho silang mapaatras ni Annica.

"Anong kailangan mo?" Matapang na saad niya kahit na ang totoo ay halos himatayin na siya sa takot.

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon