MY BEAUTIFUL TARGET
By B. Dhosme
Si Brigette, isang kilalang editor in Chief ng isang Men's Magazine, isang sikat na columnist at binansagan na Seduction Guru dahil sa mga articles na isinusulat niya sa kanyang magazine na tumatalakay sa pagfliflirt at pagseseduce. Bukod sa pagiging kilala na sa larangan ng pagsusulat ay kilala rin ito sa High Society bilang isang tunay na flirt at playgirl dahil sa madalas nitong pagdumped sa mga lalaking nakakasalamuha niya.
And then she met Bien, galing sa isang conservative na pamilya, isang school teacher at dating semenerista. Dahil sa mga wholesome qualities na ito ng lalaki kaya maslalong na-challenge si Brigette na akitin ito at gawin siyang "Target".
Magtagumpay kaya si Brigette sa plano niya o baka maslalo lang siyang mahirapan kapag narealize niyang puso na ng lalaki ang nais niyang target-in?
1. ANG MGA LALAKI
Ang mga lalaki. Para sa kanya pare-pareho lang sila, kapag nakuha na nila ang gusto nila, kapag napagsawaan ka na nila at kapag nabilog na nila ang utak ito ay iiwanan ka na lang nila. Para bang isang used plastic cup na makatapos inuman ay ikacrush at saka itatapon sa basaruhan.
Kaya siya, nadala na siya sa mga lalaki nine years ago pa, kaya ang strategy niya bago pa man siya saktan ng lalaki ay uunahan niya na ito.
Katulad ng lalaking tulog na tulog na nakatabi sa kanya na si Edmund Tiu, isang anak ng kilalang business tycoon, kilalang chick-boy sa mga bars at sa society na ginagalawan niya. Pagkatapos nilang mag-enjoy sa piling ng isa't isa ay alam niya na ang kanyang susunod na gagawin.
Kinuha niya ang kumot, itinapi niya iyon sa katawan niya at saka dahan-dahang nagtungo sa banyo ng hotel na iyon upang magshower.
Paglabas niya ng shower room ay nagbihis na siya ng kanyang damit at nagwisik ng mamahaling perfume na binili pa niya mula sa Paris.
"Brig..." napatingin siya sa kama kung saan nakahiga pa rin si Edmund, "Where are you going?"
"I have to go, may mga office work pa ako."
Tumayo si Edmund sa kama at saka pinunasan ang kanyang mga mata, "So are you going to see me later?"
Umiling siya habang sinusuot ang kanyang sapatos na may three and a half inches na heels, "No."
"No? But why?"
"Honestly Edmund, I wanna end up with you."
"What?"
"I don't want you na. Wag mo na akong itext or i-BBM, wag mo na rin akong tawagan sa opisina at wag na wag mo rin akong yayain na makipagdate sayo kasi mabibigo ka lang."
"Hey are you dumping me?" tanong sa kanya ng lalaki.
Ngumiti siya rito at saka binuksan ang pintuan ng room na iyon, "Yes!" at lumabas siya ng pintuang iyon.
Mabilis siyang hinabol ni Edmund na di na namalayan na lalaki na wala pala siyang saplot sa katawan kaya nang lumabas siya ng hotel room na iyon ay laking gulat ng mga tao sa corridor na iyon.
Natatawa lang siya sa nakakatawang sinapit ng lalaking hiniwalayan niya.
Ganon siya. Ganon si Brigette Samonte, isang Editor in Chief sa Men's Magazine na "Silhouette" at mas kilala sa bansag na Seduction Guru dahil sa mga articles nito tungkol sa flirting at iba't ibang klase nang pagseseduce sa mga lalaki.
Now she's finished with Edmund Tiu, she will now look for her next target...
Natigilan si Brigette sa paglalakad nang Makita ang isang tall, dark and handsome na lalaki na nakikipag-usap sa mga receptionists ng hotel na iyon.
BINABASA MO ANG
MY BEAUTIFUL TARGET by B. Dhosme
RomanceSi Brigette, isang kilalang editor in Chief ng isang Men’s Magazine, isang sikat na columnist at binansagan na Seduction Guru dahil sa mga articles na isinusulat niya sa kanyang magazine na tumatalakay sa pagfliflirt at pagseseduce. Bukod sa pagigin...