chapter 20- Down fall

32.2K 900 51
                                    

Narrator's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos mamatay ni Samantha at medyo naging tahimik ang palasyo dahil wala na ang prisensya ng malditang Samantha.

Pero ang totoo ay hindi maalala ni Daseri kung papaano hinatulan ng kamatayan si Samantha, alam nyang gising sya pero parang merong gumamit ng katawan nya.

Hindi nalang nya ito sinabi sa alpha dahil siguradong mag-aalala na naman ito gaya ng may nagtangkang patayin sya ayaw na nyang makitang mag alala ulit ito

Habang si Zerux naman ay mayroon ding iniisip,ito ay tungkol sa nalalapit na pagkawasak ng Feora.

Flashback. ...........

"Bakit mawawasak ang Feora?!"tanong nito kay Jeran

"Dahil wala nang sapat na kapangyarihan ang buong lugar na iyon dahil walang Titania mamumuno dito"

"Bakit hindi nalang ikaw ang pumalit sa pagiging pinuno ng lugar na iyon,tutal ikaw naman ang prinsipe ng Feora "

"Dahil ang Titania ang nagsisilibing ina ng buong lugar na iyon ang ang Feora naman ay para na nitong asawa na mamahalin at papakaingatan niya,habang ang lugar naman na iyon ang magsisilbing protekta nila sa mga ibang immortal kaya hindi na kinakailangan ng hari sa Feora, ganon ang kultura namin"depensa naman ni Jeran

"Oras na wala ng Titania na mamumuno yon narin ang katapusan ng lugar namin,dahil iyon ang sumpang ibinigqy sa amin dahil sa paglaban namin sa mismong lumikha sa amin"pagpapatuloy nito

"Pero hindi patas iyon"mahinang sabi ni Zerux pero narinig naman ni Jeran
.

"Alam ko...pero wala kaming magagawa dahil ikaw ang mate ni Daseri ,huwag mo na kaming alalahanin,ang mas kailangan mong pagtuunan ng pansin ay ang misyon mo dahil kapag hindi natulad iyon ay marami ang mapapahamak"sabi ni Jeran

"Pangako..gagawin ko"

"Alagaan mo rin sana si Daseri  bago kami mawala......"

End of Flashback. ............

Iyon ang huling paguusap nila ni Jeran bago ito umalis kasama ng zerra ng Feora

Pero naputol ang pagiisip nya nang may nagmindlink sa kanya.

"Alpha!maynangyayari po dito sa labas alpha!!!!"agad napatayo ang alpha at tumingin sa malaking bintana.

Halos tumigil ito sa paghinga sa nasaksihan mula sa labas ng kanyang opisina.

Mga isla na nahuhulog mula sa mga ulap at bumagsak sa bahaging may dagat ng kanyang nasasakupan.

Kahit hindi na nya tanunhin tanungin ay alam nya ang mga islang iyon ay parte ng Feora dahil narin sa paglalarawan ng mate nya noon tungkol sa Feora.

Agad syang napatakbo palabas ng kanyang palasyo, nang nasa labas na sya ay kitang kita nya ang mga pagsabog ng liwanag mula sa langit at pagkatapos ay bumabagsak ang mga isla at lupa mula sa ulap.

Nagliparan naman ang mga ibon at nagtakbuhan ang mga hayop sa kanilang kagubatan dahil tila nagambala at natakot ang nga ito dahil parang katapusan na ng mga mundo.

Pero ang kinagibal ng alph ay ang ,istulang kastilyo sa ibabaw ng isang isla na unti unting gumuguho ang malakristal nitong mga pader.

Isa isa bumabagsak sa dagat ang mga parte  ng kaharian na tila nawalan ng lakas at gumuguho.

"Alpha!!ang luna tumakbo po ang luna sa bahahing yon ng kagubatan na patungong dagat kaganina "sabi ng isang tagapagsilbi.

Agad namang nagpalit ng anyo ang alpha at tumakbo papasok ng kagubatan para sundan ang kanyyang mate.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon