02/14/18
Sulat Para Sayo,
Hi!Kamusta ka na?Isang taon na pala ang nakakaraan mula noong una kitang makilala.
Simula noong araw na iyon, nakasama mo na ako sa lahat-lahat. Tuwing masaya ka, nandoon ako, tuwing malungkot ka, nandoon ako. Kasama mo ako nun pero bakit di mo ako napapansin?
Palagi kong iniisip, manhid ka ba o sadyang tanga ka lang at hindi mo mapansin ang presensiya ko kahit nandito lang naman ako sa tabi mo?!
Kasama mo ako nung nakilala mo sya, kahit masakit kasi mahal na kita ay sinuportahan parin kita. Nandoon din ako noong niligawan at napasagot mo sya, masakit, sobrang sakit pero sinuportahan parin kita kasi alam ko na sakanya ka masaya.
Ako ang dumadamay sayo tuwing nag-aaway kayo, tuwing tumutulo ang luha mo ng dahil sakanya, ako ang pumupunas nun para sayo.Pero bakit binabaliwala mo parin ako?Bakit di mo ako napapansin?Bakit di mo napapansin ang efforts ko?Bakit kahit anong gawin ko iba parin ang tinitibok ng puso mo?Bakit di nalang kasi ako?Kasi ako di kita paluluhain!Kasi ako di ko hahayaang masaktan ka!Kasi mahal na mahal kita kahit di mo napapansin!
Bakit ba kasi ikaw pa ang minahal ko?Bakit ba kasi sa katulad mo pa ako nagkagusto?
Siguro nga tama sila, hindi lahat ng gusto mo, mapapasayo, hindi lahat ng hinahangad mo, makukuha mo kasi ngayon alam ko na, na masaya ka na. Masaya ka na sa piling ng babaeng mahal mo....at di ako un.
Natapos na ang istorya mo pero ikaw parin ang tinitibok ng puso ko.Saklap diba?
Pero salamat parin kasi dahil sayo narealize ko na mahirap pala...
Mahirap palang magkagusto sa isang fictional character, tulad mo.
Ngayon naniniwala na ako na mahirap magkagusto sa taong di ka gusto pero mas mahirap magkagusto sa taong hindi totoo.
Nagmamahal,
YOUR READER
BINABASA MO ANG
Never Be Mine(One-Shot Story)
Short StoryA letter for you..My Love Mahirap magkagusto sa taong di ka gusto pero mas mahirap magkagusto sa taong hinding-hindi mapapasayo.