Quatro

2.5K 73 2
                                    

Chapter Four

Pag-amin

"Nanay tama na yan. Dalhin ko na lang yan sa laundry." Sabi ko kay Nanay habang iniisa-isa niya ang paglabas ng mga gown na dapat ng labhan.

Nagpaparenta ng mga gowns si Nanay, yun ang business niya at sa awa naman ng Diyos, hindi naman nagiging matumal.

"Gastos pa yan. Kaya ko naman eh." She said habang sineseparate ang puti sa dekolor.

"Nay, ako na. Nagkasugat-sugat na nga kamay mo kakatahi eh. Wag mo ng pahirapan sarili mo Nay, ako na." I said at kinuha yung mga laundry basket.

"Candice alam kong pagod ka na rin, ngayon na nga lang day off mo eh. Gumala na lang kayo ni Emily, sige na." She said at tinry kunin yung basket pero inilayo ko yun sa kanya. Hihirit pa kasi eh.

"Nay, wag pasaway gamutin mo muna yang kamay mo." I said at inilabas na yung mga basket.

"Anong ginagawa mo?" Biglang sulpot ni Emily.

"Naliligo." Tipid na sabi ko. Ngumuso ito at tinignan yung mga basket.

"Maglalaba ka na naman? Malling naman tayo oh! Tutal kasama ko si Mommy may kasama na Nanay mo dito." Natigilan ako sa pagtapak-tapak sa mga gown sa loob ng batsa.

"Andito si Tita Miley?" I asked at binanlawan yung paa ko na puno ng sabon.

"Oo, nagbake nga ng cookies eh."

Sinuot ko yung tsinelas ko at pumasok sa loob.

"Tita!!" Tumakbo ako at yumakap sa kanya.

"Oh amoy sabon ka na naman." Tawa niyo kaya napanguso na lang ako.

"Si Nanay kasi maglalaba na naman daw eh ang dami na ngang sugat sa kamay."

"Halah! Nanay pinag-aalala mo naman si Candice eh." Sabi naman ni Emily at tinignan yung kamay ni Nanay.

"Kayo talagang mga bata kayo. Parang konting sugat lang grabe na kayo kung makapagreact." Nakangusong sabi ni Nanay at umupo sa sofa.

"Hay alam mo naman itong mga batang toh." Tawa ni Tita Emily, "may binake pala akong cookies, meryenda muna tayo."

May nilagay siyang topperware sa ibabaw ng center table. Pumunta naman kami ni Emily sa kusina para magtimpla ng juice.

"Kamusta naman yung boss mo?" Tanong niya sakin habang naghuhugas siya ng baso.

"Uhm ganun pa rin, nakakaintimidate masyadong gwapo." I chuckled. "Eh ikaw kamusta kayo ni Rico." Nanlaki ang mga mata nito at namula.

"U-uh, wala naman." She said at papula ng papula ang mukha niya.

"May hindi ka sinasabi Emily." Umiling lang ito.

"Haha wala ano ka ba, dalian mo na lang diyan." She said at binuhat na yung mga baso papuntang sala. Binuhat ko na rin yung pitsel at sumunod sa kanya.

"Tita, ipasyal niyo naman po si Nanay oh." Request ko kay Tita, nagkatinginan naman sila ni Nanay.

"Matagal ko ng pinipilit yang Nanay mo iha kaso matigas ang ulo eh."

"Hay naku gastos na naman yan." Bitter na sabi ni Nanay. Forever KJ talaga toh kahit kailan.

"Oo nga naman Nanay, pasyal na kayo ni Mommy. Namimiss na nga niya kayong kabonding eh."

"Eh pano kayo ni Candice?" Tanong ni Nanay kay Emily.

"Nay, okay na kami. Matatanda na kami kaya na namin mga sarili namin." Sagot nito.

ZEUS: Bachelor's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon