I'm Just a Fan

29 6 0
                                    

I'm Just a Fan

Genre: Fan- Fiction
Written by: ParkChanley

EDITED

~~~••~~~

Ako nga pala si Kaira Mae Gomez, 21 years old. At masasabi kong isa ako sa mga nahuhumaling sa K-Pop Group na EXO. Yes tama kayo ng nababasa, ako'y isang EXO- L.

At ang aking Ultimate Bias ay si  Park Chanyeol. Sobrang mahal na mahal ko siya, na darating sa punto na kapag umiyak siya ay na iiyak na din ako. Hindi ko nga alam kung bakit ganun ako eh, parang ewan lang.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko ng makapunta sa South Korea, kaya ngayong araw ay tutuparin ko na ang pangarap kong iyon.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa waiting area at hinihintay na tawagin ang flight ko, hindi naman nagtagal ay tinawag na din ang flight papuntang South Korea. Tumayo na ako mula sa aking pagkaka- upo saka pumunta sa eroplano na aking sasakyan.

Sa loob ng tatlong oras ay nakarating din ako sa akin destinasyon. Pagbaba na pagbaba ko pa lang ng eroplano ay ramdam ko na ang lamig ng simoy ng hangin. Paglabas ko ng airport ay naghanap agad ako ng taxi na pwede kong masakyan para maghatid sa aking hotel na pansamantalang aking tutuluyan.

Nang makarating ako sa hotel room ko ay namangha ako sa aking nakita, napakagandang kwarto kahit na simple lang ang mga palamuti. Naligo muna ako bago kumain, pagkatapos ay natulog na ako, at dahil na rin siguro sa pagod sa biyahe ay naka- idlip ako agad.

Pagkagising ko ng umaga ay kumain ka- agad ako at naligo. Tapos ay nagbihis na ako dahil pupunta pa ako ngayon sa SM Entertainment para sana mag- apply ng kahit anong  trabaho at saka para makita ko rin araw-araw ang love of my life (Park Chanyeol).

Pagdating ko doon ay nagtanong ako sa front desk kung meron pa ba silang available na trabaho na pwede kong kunin. Luckily, meron namang available, Maintenance daw kasi kulang sila ng mga tauhan para doon.

At siyempre pumayag ako, sino ba naman ako para umarte pa 'di ba? Nung naka- oo na ako sinabi sa akin na  puntahan ko daw yung manager nila para daw malaman kung kailan ako magsisimula.

At kung nagtataka kayo kung paano ko nakakausap yung mga tao dito. Ay dahil bago pa ako pumunta dito ay nag- aral na ako ng hangul para maging madali na lang ang makipag- usap sa mga tao dito sa Korea.

Pagkatapos kong maka- usap yung manager, sabi niya pwede na daw ako magsimula bukas ng umaga. Kaya sobrang saya ko pag- uwi ko kasi nagkaroon na ako ng chance para makita si my loves.

*KINABUKASAN*

Nandito ako ngayon sa Maintenance Room para kumuha ng mga materials para makapag- simula na akong maglinis. Habang nagm- mop ako ay hindi ko 'man lang napansin na may tao pala sa harap ko kaya nabunggo ko siya. Inangat ko ang aking paningin para makita ko kung sino yung nabangga ko at para makahingi na din ako ng paumanhin.

Ngunit laking gulat ko ng makita kung sino ang nabangga ko. Isang lalaking matangkad, matangos ang ilong, may mapupulang labi, at ang kaniyang malalaking tainga.

Natulala ako sa maamo niyang mukha, bumalik lang ako sa ulirat ng bigla siyang ngumiti at nagsalita.

"Annyeong, gwaenchanh ni?" Hi, are you okay? Ngiting saad niya.

Tumango ako at saka sinabing "Ne, gwaenchanhseubnida. Neonneun eotteoni? Jeongmal mianhe." Yes, I'm okay. How about you? I am so sorry.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Just a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon