'UNshaped LOve'

52 0 0
                                    

'till DEATH'

“… isang insidente ng pamamaril ang naganap kani-kanina lamang po sa isang Mall sa Pampangga. Ang masaklap ditto ay pang mga Menor de edad ang sangkot sa nasabing insidente. Nagpapatrol..”

Mataas na ang araw nang magising si Ka Nelson. Umupo siya sa sala at nagpahinga. Katatapos niya lang kasing kumpunihin ang isang silya upang magamit pang muli. Binuksan ang TV at nagtimpla ng kape. Saglit siyang umiling-iling at tumingin sa kanilang bintana. Nagpaalam kasi ang anak niyang si Jekjek. Nung mga oras na iyon, sinaad na gagawa daw ng isang Project sa E.P. Ngunit napansin din niyang medyo di karaniwan ang kanyang anak ngayong araw. Pero mas minabuting din a lamang ito pansinin.

“…ayon sa mga nakakita sa insidente, nagbaril ang trese anyos na binatilyo matapos barilin ang diumano’y kasintahan nitong disi-sais anyos na biktima…makikita sa actual footage ang dalawang biktimang…”

Napatayo sa Ka Nelson sa kinauupuan. Nakilala niya ang itim na damit na nasa TV. Kinabahan siya at agad na naluha. Ilang Segundo pa ay hindi na niya napansin ang pagkahulog ng kanyang hinahawakan. Nakakabingi ang pagkabasag ng Baso at platito na hawak niya kanina. “Si Jekjek ko!”

“Mahal kasi kita! Mas mahal kita.”  Napakataas ng sikat ng araw nang mga panahong iyon, Ngunit di ito alintana ng Dalawang binata na nakaupo sa gilid ng mangga. Tulad din ng dati, hindi maaring ipahalata ang lahat…na sila ay may relasyon. ‘Oh anu na Jekjek hindi pa ba tayo aalis,mataas na ang araw?’ ‘Sige na nga, takenote sabay tayo sa pag-uwi ah?’ As ussual’ sagot ng kausap.

 Nagsimula ang kanilang relasyon sa social networking site na facebook. Sa isang hi at hello at sa isang friend Request.

                        Hi

                        Hello:0

                        Nsal po?/

                        Jake Perez, Pampangga,13

                        ***

                        Kain napo tayo!!

                        Thnx…

                        ***

                        Ingat po.muahugs!!!

“…sa footage ay makikita ang duguang mga katawan ng mga biktima. Ang mga Biktima ay kinilala sina…”

Nagmamdali at di magkanda ugaga si Ka Nelson ng mga oras na iyon. Agad na tumayo at kinuha ng kanyang lumang cellphone. Pinindot. Hinanap ang pangalang Jake sa contacts…CALL…

“ The number you are calling is either busy or unattended. Please try your call later!”

Hindi na nag-isip pa si Ka Nelson, agad na inulait ang pagtawag. Contacts:jake…CALL

*line busy*…

Hindi man niya pinipilit na paniwalaan…alam nya sa sarili na ang pinakamamahal niyang si Jekjek ay patay na!!! sa sobrabg pagkabalisa ay hindi na namamalayan ni Ka Nelson na ang kanyang luha ay patuloy na bumubuhos mula sa kanyang mga mata. Nakakabingi ang katahimikan sa bahay na iyon.

“…ang itinuturong sanhi ng pamamaril sa isang mall sa Pampangga ay ang ‘crime of passion’ o ang krimeng may kinalaman sa pag- ibig.”

Malalim na ang gabi. Alas onse na at mahimbing ang pagtulog ng mga kasama ni Jekjek sa bahay. Nguniut dilat pa ang mga mata ni Jek. Dilat pa ang mga mata na nakaharap sa monitor ng kanilang kompyuter.  Sa facebook na siya nababad. At sa chatbox na lamang siya nakaititig. Marahil ay may hinihintay siyang mahalang mensahe mula sa kanyang kausap. Hanggang sa may dumating na ngang mensahe. ‘ Let’s stop this stuff!’ ito na nga ang pinakamasakit na maaninag sa luha ni Jek. Sa facebook na rin siya nag-labas ng sama ng loob.

                        WHAT’S ON YOUR MIND?

                        “Handa na akong mamatay makasama lang si Jonathan!”

                        “…die for eternity!”

Hindi pa rin siya nakakapag-log out sa facebook. Alas tres na ngunit di pa natatakpan ng kanyang antok ang galit na kanyang nadarama. Tahimik ang buong kwarto. Tanging ang bentilador na lamang at ang tunog ng CPU ang maririnig mo. Sa sobrang tahimik ay nakaidlip ang puyat na si Jekjek.

Umaga na. alas otso ng umaga. Makikita si ka Nelson na pagod dahil sa pagaayos ng sirang silya upang magamit pa. Gising na rin si Jekjek nang maagang oras na yon. Tuyo at dumeretso sa CR upang maligo.lumabas, nagbihis, nagpalit ng damit.        Agad na dumeretso sa kwarto ng ama, binuksan ang cabinet. Mula sa cabinet na iyon, kanyang kinuha ang bagay na di dapat niya hinahawakan- ang baril ng kanyang ama.inailagay sa bag, tumayo, at agad na lumabas.  “Anak, san ka punta?” “Dyan po, gagawa ng E.P project.”  Agad na dumeretso palabas ng bahay ang tila ba balisang si Jekjek.

Alas diyes sa harap ng isang ‘gaming station’ sa mall na iyon. Maingay, magulo, maingay, magulo. Wala ng ibang umiikot sa isip niya kundi ang salitang mahal niya si Atan. Pagmamahal hanggang kamatayan!

Saglit pa ay dumating na ang kanina pa niyang inaantay. Hindi tulad ng dati, may lungkot sa kanyang mga mata. May mga salitang maging luha ay di makapagsasabi. At mga emosyong isinasalarawan na lamang ng luha sa mata. Maingay. magulo. Ang ingay na pinalakas pa ng tatlong magkakasunod na putok ng baril. Kasabay ng putok na ito ay ang nakakabinging sigaw ng katahimikan “ mahal kita Atan, mahal kita”

Dalawang biktima ng huwad na pag-ibig.

“…sa kasalukuyan ay patuloy ang imbistigasyon kung sino ang tunay na may pananagutan. Ngunit ang di maikakatwang katotohanan, dalawang pangarap ang nawasak.”

Nakakabingi ang katahimikan sa bahay ni Ka Nelson, sinadya niyang umupo sa gilid ng kanilang maliit na bahay sabay sabing ‘Wala na si Jekjek’.

GeraldDESACULA| BAMC 3 Irreg

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'UNshaped LOve'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon