I'm still in the midst of doing this, like I have nothing say naman at all, and hindi naman ganun kabongga life ko to share with. I just want an outlet para naman kahit papaano may napag sasabihan ako ng mga problema ko sa life. HAHAH Ang hirap kaya nung at the end of the day, parang wala kang napag sasabihan ng nangyari sayo the whole day, kung kamusta kaba, kung anong nangyari sayo, walang reflections, parang walang ganap sa life kapag ganun. So, I decided to write everything here in my Wattpad Account, I know it's too weird to post and write things like this kasi we all know na wattpad is for stories lang, maiba tayo, i will make this as a diary so para kahit papaano, guminhawa yung isip ko sa mga bagay bagay na nangyayari sakin. so let start?
Ordinaryo day again, after 3 days ng vacay namin sa Pattaya, sempre tagtulog lang ako the whole nigt, nagising ako ng 9am, and I started my daily routine, ang magluto haha this is the only thing lang na nagagawa ko sa umaga after waking up, sempre konting linis ng bahay at madalas phone ang kaharap hahaha yun naman lagi, typical things na ginagawa ng pilipino na instead of doing important things, mas pinipili nating pagtuunan ang mga bagay na wala namang halaga o maitutulong satin. Anw, after ng magluto, kape kape, waiting for the others na magising para maglunch, naglinis narin ako ng bahay para may activity naman kahit papaano, ang hirap ng walang ginagwa, nakakatamad lalo, nakakapanlata at higit sa lahat napaka unproductive :D sooo, since yung plants ko e dumating na last sat, ginawan ko ng pots using basyo ng tubig, naisip ko kasing ang costly naman masyado kung pati pots aartehan kopa, why not recycled naman tutal ang daming empty bottled na mapupunta lang sa basurahan at hindi na mapapakinabangan? Nirerecycle kaya ng Thailand yun? Like goodness gracious ang daming production ng plastic from 7/11 to malls to market na nag coconsume ng plastic, paano kaya nila minamage yung drastic consumption diba? like kahit ata sa maliit na bagay na hindi naman dapat pa gamitan ng plastic ginagamitan hahaha I mean, hello guys talamak ang global warming sa mundo, why not lessen diba? kawawa si mother earth hahaha Wala lang nashare ko lang kasi, im living here in BKK, Thailand and ang dami mong maoobserbahan kasi knowing din na bago sa lugar, hindi mo maiiwasang mapaisip :D
Anw, after ng lunch I've decided na to spend my time watching "ALex Strangelove" the story is he got confused sa sexual preferences niya habang he's with his gf, not until nung dumating si elliot, na nagpaopen sa sexual niya.. Nung una indenial pero sooner or later narealize niya din na he's gay. May mga ganun talaga diba? nacoconfused tipo bang naguguluhan sila sa pipiliin nilang gender na parang for the first place, dapat alam mo nayun, for me dapat iembraced mo lang kung ano ka, the more kasi na hindi mo tinatanggap sarili mo, the more na mas macoconfuse ka sa mga bagay bagay na dapat naiintindihan mo na sa umpisa palang diba? Like hindi mo pepwedeng ideceive sarili mo sa mga facts na sa umpisa palang alam mona, hahahah yun lang naman.
After ng maghapong wala naman nangyari ayun, chitchat sa kasamahan sa dorm, investigate, investigate sa magiging trabaho ko sa Thailand, medyo nacoconfused padin ako sa trabahong gusto kong pasukin, natotorn ako sa madali/mahirap na trabaho, diba? lahat naman ata nagdadaan sa ganung phase lalo na sa umpisa na nagsstart ka palang hahaha pero later on naisip ko na nasa ibang bansa nga pala ako so anong karapatang kong mamili ng trabaho diba? Naisip ko na once kako na mag-abroad ako kailangan kong lunukin lahat ng pride ng natitira sa sarili ko na dapat hindi ako maarte/mapili/or what so ever diba, so dapat willing akong mag takerisk sa lahat ng opportunityng papasok sa buhay ko, isasantabi ko yung takot hahaha (how i wish, magawa ko diba) saka narealize ko talaga na you have to jive in sa lahat ng aspesto kasi nasa ibang bansa ka e, so you have to "makisama" sa ugali, sa traits, at sa lahat ng bagay diba.
So, nag cook ako ng adobo for dinner, hindi masarap bessy, ang gara kasi ng ingredients nila dito to be honest kasi ibang iba talaga siya sa nakasanayan nating ingredients sa Pinas. Sooooooo, at the end narealize ko na dapat walang comparison, may sari-sariling qualities ang bawat bansa na dapat nating iembrace, privilege yun uy! maexperience mo yun ang kultura ng ibang bansa hehehe saka challenge sakin yun na magluto ng hindi ko nakasanayan, tho adobo lang naman yun nachallenge lang ako sa condiments, hahahahah so back to the topic.. I'm planning sana na magswimming kaso wala pala akong damit nasa labahan lahat at saka parang medyo pagod pako from the 3 days tour, sobrang tumaba nanaman ako lintek, bumabawi ata ako sa 6 months kong pagtitipid sa Pinas, yun bang itlog/canton ang ulam para makatipid :D Mali, pala yon bessy hindi lang pala katawan ang naaapektuhan, pati pala ang pag-iisip bes hahahaha Napapansin kong nabobobo na talaga ako, hindi ko kayang makijive, nagiging slow din ako minsan, yun bang kahit ata joke hindi ko mapick-up, di ko kayang makisabay mygaaaadddd.. kung alam ko lang na masamang magtipid sobra, kumain ako ng kumain, i promise na hindi na talaga ako magtitipid, kasi at the end of the day importante padin ang health hahahha Sooooo i will end my story hereeeee, its already 11:15pm na dito sa Thailand. need to do some stuff! TATA!!
YOU ARE READING
HOY SELF!
Short StoryMga walang kakwenta-kwentang karanasan sa araw-araw na buhay! :D