************
KINABUKASAN
Pag-mulat na pag-mulat ng mga mata ko, agad kong kinapa ang cellphone ko na nasa bedside table, magsesend ako ng quotes kay myLoves. Maiba naman. Baka nauumay na siya sa paulit-ulit na minemessage ko sa kanya 'e.
Me To Myloves: Did you feel a little warm in the morning? I sent you warm hugs in my thoughts. Goodmorning Myloves! Have a wonderful day. Ingat pag-pasok.
Sana naman kiligin siya ng konti, Baka mas sumimangot ang mukha no'n kay aga-aga 'e. Bumangon na ako para makapag-asikaso sabay kami papasok ni Beshie ngayon.
**Naglalakad na ako patungo sa bahay nila Beshie ng makita ko agad siya sa labas nila, Malawak akong napangiti, Bibihira nalang kami nag-kakasabay dahil lagi siya sinusundo ni papa sky.
pero 'yung ngiti ko unti-unting nawala ng mapansin ko 'yung nasa likod ni Beshie. Oh my gosh, kasabay namin siya papasok?
Geez! hindi ako handa! Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Lumipat ang tingin ko kay beshie na ngayon ay malawak ang ngiti, So means sinadya niya hindi sabihin sakin.
"Goodmorning." tipid na bati ko sa kanila ng makalapit ako, kiming ngiti ang ginawad ko kay Ivan Myloves. Tumango lang ito sa'kin sabay baling kay Beshie.
"Let's go twin," nauna na itong maglakad. nag-taka naman ako, nasaan ang kotse ni myloves? Commute lang kami today?Nabasa naman ni beshie ang nasa isip ko.
"Sira 'yung kotse ni kuya nasa pagawaan. kaya commute lang tayo ngayon." Tumango naman ako at sumunod na kami kay myloves, malapit lang naman ang sakayan ng Jeep at ang university namin kaya hindi hassle. 'yun nga lang marami kaming kasabayan sa jeep dahil oras ng pasok.
Habang naka-sunod kami kay myloves ay pasimple kong binulungan si beshie.
"Bakit hindi mo naman sinabi sa'kin na kasabay natin si Ivan myloves?" Natawa ito ng mahina.
"Suprise, ayaw mo ba?" mahinang bulong din nito sa'kin. para kaming ewan na nagbubulungan sa likod ni Myloves, Medjo binagalan ko ang lakad, ganoon din ang ginawa ni beshie, para sure na hindi nito maririnig ang pinag-uusapan namin.
"Syempre gusto ko! kasabay ko ba naman si Myloves kaso beshie, Kung kailan hindi ako nakapag-ayos doon ko pa siya nakasabay, Baka isipin niya ang plain-plain naman ng bestfriend ni kisha." Mahina pero may tampo kong bulong. pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Wala naman problema sa ayos mo ah? Alam mo beshie mas ok ang natural beauty, akala ko ba dyosa ka? Bakit nawala ata ang confidence mo? At isa pa ayaw ni kuya sa babaeng mahilig sa make up." Napalingon ako dahil sinabi niya.
"Talaga? ayaw ni Myloves sa ganoon? Bakit ngayon ko lang nalaman 'yan?" pinaningkitan ko siya ng mata, Nagdududa ako sa sinabi niya, pero imbes na masindak 'e. Ngumisi ito sakin.
"Tinanong ko si kuya nung isang gabi kung ano ang ayaw niya sa isang babae, At isa nga sa sinabi niya na ayaw niya ng babae na mahilig sa make up. Simple lang daw gusto niya. Isang himala nga na sumagot 'yon 'e. Siguro nasa mood siya ng mga oras na'yon."
Simpleng Babae? so liptint at pulbo na rin lang ang ilagagay ko sa mukha ko.
"Kaya pala ngayon naiintindihan kona bakit mo—" Napatigil ako sa pag-sasalita ng mapansin namin na nasa labas na pala kami ng subdivision, Nakatayo na si Myloves sa sakayan ng Jeep.
"Dalian niyo na, Maraming sasakay na estudyante mamaya baka mawalan tayo ng upuan."
Mabilis kaming kumilos ni beshie, Saktong may dumating na Jeep, May laman na iyon, Konti nalang at mapupuno na.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You (TextSerye)
RomansaLoving someone secretly is a very hard and tiring matter, but to a girl named Eizel Evangelista, Loving secretly is not a sin. Loving unexpectedly is a blessing although it is hard for her. Mark Ivan Barcelon Eizel Evengelista