Chapter 46

19.5K 382 14
                                    

Chapter 46 ~ Mama

Mia's POV:

Hindi ko na naituloy pa ang pagkain at dali-daling inayos ang sarili para sa magaganap na usapan namin ni Ma'am Lucy.

Napatingin ako sa iba. Nakangiti silang lahat sa akin peto hindi ko mapigilan ang aking sarili na kabahan. Napabuntong-hininga ako.

"Wag mong ipapahalata na kinakabahan ka." Saad ni Eunice at muling sumubo ng pagkain.

Napatango ako at hinanda ang aking sarili. Hindi ko inaasahang kakausapin ako nito at wala akong kaideya-ideya sa amin pag-uusapan.

Unti-unti akong nagtungo sa sala. Nakita ko doon ang nanay ni Bryle na prenteng nakaupo habang nanonood ng TV. Hindi man lang ito tumingin pabalik sa akin nang makaupo ako sa katabing sofa.

"You're here already." Puna nito.

Napahigpit ang aking kapit sa aking suot. Pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso habang patagal na patagal akong nakaupo dito.

"Sorry po kung natagalan ako."

"No. I mean, nagmadali ka yata."

Nagulantang ako at napaiwas ng tingin ng tumama ang kaniyang paningin sa akin. Pasimple akong tumingin sa TV upang mabawasan ang aking kaba.

"Ano po ang pag-uusapan natin?"

Tanong ko. Nilakasan ko ang aking loob at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Tumaas ang kaniyang kilay.

"It's about you and Bryle."

Prangkang sagot nito. Ini-off nito ang TV at iminuwestra na maupo ako sa kaniyang tabi. Naiilang akong lumapit sa kaniya.

Sa pagkakaalam ko, wala naman masyadong problema sa amin ni Bryle. Pwera na lang sa pagiging busy niya lately na nagpapainis sa akin na animo'y ayaw na ring umuwi.

"I knew the score between you and my son kaya hindi mo na kailangang magsinungaling pa sa akin. Gusto kong malaman ang lahat-lahat noong nasa Paris kayo."

"Wala naman pong masyadong nangyari." Pagsisinungaling ko. Ayoko lamang na lumaki pa ang gulo sa pagitan namin ni Bryle. Kung magsasalita ako, mas madadagdagan ang galit nito sa akin.

Napangisi ito.

"Don't fool me."

Umiwas ako ng tingin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito at kinalikot ang telepono. Sa hindi malamang dahilan, inatake ako ng kuryosidad.

"You know her?"

Tanong nito sa akin habang pinapakita ang litrato ng isang babaeng sopistikada ring tignan mula sa kaniyang telepono. Nagsusumigaw ang kayaman nito na mas lalong nagpataka sa akin.

Ba't naman niya natanong iyon?

Hindi ako nakasagot at mas tinitigan ang litrato. It was no other than Lian, ang ex-girlfriend ni Bryle. Bumigat ang aking dibdib sa naiisip.

"She was my son's ex-girlfriend."

Saad niya. Muli akong hindi sumagot at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. Bakit nasali si Lian sa usapan?

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon