Chapter 1>>

76 21 1
                                    

[1]

08/23/2014

I dedicate this chapter to...TheisaShobe

******

Nasa harapan ako ngayon ng bintana ng aking kwarto.Nakamasid sa langit at mga ulap na kulay asul.Maaliwalas at kaaya-ayang tanawin ang makikita mo mula sa aking bintana. Tila maganda ngayon ang panahon hindi katulad ng mga nakalipas na araw na walang tigil ang ulan.Nakaluhod ako sa isang upuan na para bang nagdadasal habang nakatanaw sa labas.Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.

Ako nga pala si Maria Jessa,labingwalong taong gulang.Nakatira kami sa probinsiya kung saan hindi pa gaanong nahahawaan ng modernisasyon ng mga taga-lungsod,kumbaga hindi pa uso masyado dito ang mga telepono.Pulos liham lang ang tagapaghatid at nagsisilbing komunikasyon sa amin.Parang nasa panahon pa rin ng mga nanakop ang baryo kung saan kami nakatira atsaka uso pa samin ang magsalita ng lenggwahe ng mga Espanyol.

Ilang minuto bago ako umalis sa pwesto ko na nasa gawing bintana.

Kasalukuyan akong naghahanap ng isang malinis na papel at lapis na de-tinta.Ng makahanap ako, dali dali akong umupo sa aking higaan at nagsimula ng magsulat.

---

"Huy ate!Gising na!Late ka na naman pong gumising.Atsaka kanina pa naghihintay si Lola sa baba.Bilisan mo na po diyan!" rinig kong sabi ng kapatid ko, si Yael,kaya napabangon agad ako.Bumungad agad sakin ang nakangiti niyang mukha.Bakit para yatang maganda ang araw niya ngayon?

"Sige mauna kana dun Yael.Iaayos ko na lang tong higaan ko para hindi na mag-abala si lola na mag-ayos nito mamaya."sabi ko habang sinisimulang kumuha ng unan at ipagpag.Ganyan ang araw araw na kaganapan tuwing umaga sa bahay.Mas maaga pang nagigising si Lola at ang nakakabata kong kapatid na si Yael kung kaya ay,ako lagi ang hinihintay at ginigising.Lagi kasi akong napupuyat.Working student kasi ako.May kaya naman kami kaso nga lang hindi sapat para sa lahat ng pangangailangan naming tatlo,lalo na sa pag-aaral ni Yael atsaka sa mga utang ng mga magulang ko.

Narinig kong sumarado na ang pintuan ng kwarto ko na kanina ay bukas dahil pumasok si Yael.Habang tinitiklop ko yung kumot ko ay bigla ko na lang nalala na kaarawan ngayon ni Yael.Hayy.Napasapo tuloy ako ng ulo ko.Kaya pala ang saya saya niya ngayon.Bihira lang kasi yung sumaya at ngumiti.Bakit ngayon ko lang naalala na kaarawan niya ngayon?Hindi ko man lang siya tuloy nabati.Ah,alam ko na.Susurpresahin ko na lang siya mamaya.

Pagkatapos kong mailigpit yung higaan ay kaagad na kong bumaba.Nilock ko muna yung pinto ng kwarto ko bago ako tuluyang bumaba.Habang naglalakad ako sa hagdanan ay sakto namang nakasalubong ko ang paakyat na si Yael para siguro tawagin ako pero dinaanan niya lang ako.Marahil ay nagtatampo siya sa akin.

"Yael saglit.." nasambit ko kasabay ang paghinto sa paglakad pababa sa hagdanan.Pero wala akong natanggap na sagot.Narinig ko na lang ang kalampag ng paa niya na naging basehan ko na pinagpatuloy niya na ang pag-akyat niya.Di bale at babawi na lang ako sakanya pag-uwi ko.

Pagkababa ko sa dumiretso agad ako sa komedor kung nasaan si Lola.

"Magandang umaga po Lola." sambit sabay mano kay Lola na kasalukuyang nakangiting nakatingin sakin.Umupo na ako sa katabing upuan para mag-agahan.

"Magandang umaga rin apo.Sige kumain ka na diyan.At baka mahuli ka na naman sa klase mo.Anong oras nga ba ang pasok mo ngayon?"pagtatanong sakin ni Lola habang binibigyan ako ng plato.

"Ah..Mga 9 po La."- magalang kong sagot sabay abot ng plato na ibinibigay niya.Kuuha na agad ako ng kanin at ulam.Nagsimula na akong kumain.Sinilip ko si Lola na nasa tabi ko lang.Naktitig ito sakin ngayon at parang may gustong itanong.

"La may probleman po ba?" pagtatanong ko dahil medyo nakakapagtaka na kanina pa siya nakatingin sakin."A-ah,wala naman apo.Bakit nga pala hindi mo binati yung kapatid mo eh kaarawan niya ngayon?" balik na tanong sakin ni lola.

"Nakalimutan ko po Lola.Hindi ko naman po intensyong kalimutan itong mahalagang araw na ito pero-- marami po kasi akong inaasikaso at iniisip katulad ng pagbabayad sa mga utang atska yung tuition fee po niya." pagpapaliwang ko.Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain ng hindi na muling magtanong at nagsalita si Lola.Pagkatapos ng isang oras,natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin dito sa bahay, at handa na akong pumasok.Pero bago ako umalis at pumasok napagdesisyunan ko munang magsulat ng liham para kay Yael.Kumuha ako ng isang malinis papel sa bag ko at ballpen na aking gagamitin atsaka umupo sa isang sofa dito sa salas.Kumuha na rin ako ng isang libro bilang patungan.

Mahal kong Yael,

             Una sa lahat gusto ko munang batiin ka ng maligayang bati sa iyong kaarawan,aking kapatid.Pagpasensyahan mo na ang iyong ate kung hindi manlang ako nakabati sa iyo ng personal kanina.Hindi ko sinasadya at mas lalong hindi ko intensyong kalimutan ang pinakamahalagang araw sa buhay mo.Sana hindi ka na magtampo sakin.

                                                                                                         Nagmamahal ang iyong ate,

                                                                                                                         Yesha

Fast Forward>>

Author's Narration

Ipinabigay na lang ni Yesha sa kanyang Lola ang liham niya para sa kanyang kapatid para ito na lamang ang magbigay nito sakanyang kapatid mamaya paglabas nito sa kanyang silid niya.Pagkalabas niya sa bahay nila ay nagsimula na itong maglakad papunta sa unibersidad kung saan siya nag-aaral.Habang naglalakad, hindi pa rin maalis sa isip niya na baka haggang pag-uwi niya mamaya ay nagtatampo pa rin ang kapatid niya at kung ano ang bibilhin niyang regalo mamaya.Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nabunggo siyang tao.Medyo nakayuko kasi siyang naglalakad.

"Ano ba naman yan Miss.Sa susunod tingin tingin rin sa daan.Ayus-ayusin kasi ang paglalakad.Tss." sabi ng nabangga niya.Kaya napatingin siya sa nakabunggo niya.Isang mukhang mayaman na lalaki na kasing edad niya rin base sa itsura at damit na suot suot nito.Ang sama naman ng tabas ng dila nito sa nasabi niya na lang sa isip niya.

"Pasensya na." sabi niya tanda ng paghingi ng paunmahin sabay bow ng 90 degrees.Ngunit tinignan lang siya nito ng masama sabay sambit ng "Get Lost,stupid" at tuluyang ng naglakad paalis.Napatulala na lang si Yesha sa naging turan ng binata sakanya.Walang modo,bastardo,antipatiko.Mga salitang nasa isip niya ngayon at gusto sanang isigaw dun sa lalaki pero hinayaan na lang niya at tuluyan na ring naglakad papunta sa kanilang paaralan dahil sa kadahilanang limang minuto na lang at malelate na siya.

****

A/N:Eto na nga po pala yung First Chapter nitong Story! :) Hope you'll like it!

Don't forget to Vote and Comment! 

Thannk yoouu! 

Gong Hyo Jin at the right side~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Makalumang Liham ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon